Kraken

Podcast

Paano Magpalago ng Decacorn

Alamin kung paano ang magtrabaho sa Kraken nang walang kahirap-hirap.

Podcast Overview

Sa tantiya ng mga eksperto, posibleng 2019 ang taon para sa mga decacorn IPO mula sa mga kumpanya gaya ng Lyft, Airbnb, Slack, at SpaceX. Paano sila napunta roon? Anong mga hamon ang hinarap nila? Anong mga aral ang natutunan nila? Alamin sa pamamagitan ng linggo-linggong pagtutok sa “Paano Magpalago ng Decacorn,” na sumusubaybay sa Kraken, isa sa mga pinakasikat na kumpanya ng bitcoin o crypto sa mundo - na kasalukuyang may value na $4,000,000,000. Bibigyan ka na'min ng pasilip sa kung paano na'min hinaharap ang mga hamon para mapalaki ang 10 horns at maging bahagi ng eksklusibong hanay ng mga kumpanyang ito. Saksihan na ang kapana-panabik na kaganapang ito...

EP 6: Pagtatrabaho sa Kraken

Marso 26, 2019 - Napakaganda sigurong malaman kung ano ang pakiramdam ng pagtatrabaho sa isang kumpanya bago ka talaga magtrabaho roon? Maghanda na, dahil narito na sina Jesse at Christina para isiwalat ang lahat. Pakinggan kung ano ang maganda, masama, at pangit sa pagtatrabaho sa Kraken. Isa ka ba sa mga taong maha-hire ngayong taon?

EP 5: Pagpatay sa Brand sa Loob ng 2 Linggo

Marso 7, 2019 - Puwedeng umabot nang ilang taon para makagawa ng brand, pero 2 linggo lang ang kailangan para patayin ito. Samahan sina Christina at Jesse sa pagsusuri at talakayan nila sa kamakailang kuwentong nasa mga ulo ng balita. Kapag pala nilabag na ang privacy, seguridad, at mga kalayaang sibil, nagagalit talaga ang mga tao, nakakapagsimula sila ng mga pandaigdigang kilusan, at nagde-delete sila ng kanilang mga account.

EP 4: Paglutas sa Conspiracy

Pebrero 28, 2019 - Ngayong narinig na ninyo ang mga pangunahing clue sa EP 3, samahan sina Jesse at Christina sa kanilang ganap na unprofessional at subjective na pagsusuri sa conspiracy. Idedetalye nila kung sino sa palagay nila ang nagnakaw ng $190 milyong US dollars at kung nasaan na ito ngayon sa tingin nila. May posibilidad na talagang mali sila, pero iisa lang ang paraan para malaman ito. Pakinggan o panoorin silang lutasin ang misteryo ngayon.

EP 3: Paghahabol sa Conspiracy

Pebrero 28, 2019 - Kung mamamatay ang isang CEO nang walang kapalit na bagong lider, ano ang puwedeng maging problema? Ah, simple lang naman, sikolohikal na manipulasyon, mga pinagtakpang kriminal na nakaraan, romansa, kasakiman, paghihiganti, pagtataksil, at pagpatay. Importante pala ang pagkakaroon ng succession plan sa lahat ng negosyo. Ibabahagi sa inyo nina Jesse at Christina ang mga pangunahing clue kaugnay ng isang real-time na babalang kuwento.

EP 2: Bringing Home the Bacon

Pebrero 4, 2019 - Nagtatrabaho sina Christina at Jesse sa isang kumpanyang kakabili lang ng panlima nitong crypto company, sa pagkakataong ito, isang nine-figure na deal. Para ipaliwanag kung bakit mahalaga ang deal, pag-uusapan nila ang pork belly. Natatakam ka na rin ba?

EP 1: Pag-sell Up, Hindi Pag-sell Out

Pebrero 4, 2019 - Pamilyar tayong lahat diyan. May kumpanyang bibili ng ibang kumpanya, tapos, magiging miserable ang lahat. Magbabahagi sina Christina at Jesse ng mga M&A lesson na natutunan, kabilang ang isang secret sa tagumpay na iilang kumpanya lang ang nakakaalam kung paano isasagawa.