Kraken
cel

Ano ang Celsius? (CEL)

Gabay ng Nagsisimula


Ang Celsius network ay isang regulated at SEC compliant na platform ng pagpapahiram na nagbibigay-daan sa mga user na makatanggap ng interes sa mga idinepositong cryptocurrency o maglabas ng mga collateralized na utang sa crypto.

Umaasa ang Celsius na makahimok ng mga user sa pamamagitan ng pagbibigay ng matataas na yield sa kanilang mga deposito habang pinapanatili ang  mga benepisyong ibinibigay ng mga tradisyonal na outlet gaya ng mabibilis na transaksyong walang bayarin. Para sa mga kasalukuyang crypto investor na gustong umutang, nagbibigay ang Celsius ng oportunidad na makatanggap ng mga dolyar nang hindi nagka-cash out ng mga hawak na cryptocurrency. 

Nakabatay ang system sa native nilang token na CEL, na ginagamit para umutang, magbigay ng mga reward, at magbayad. 

Bilang karagdagan, nagsasagawa ang Celsius ng loyalty program kung saan ang status ay nakabatay sa halaga ng mga CEL sa portfolio ng user. Habang umuusad ang isang miyembro sa bawat kasunod na tier, bibigyan sila ng mga bonus na reward at diskwento sa interes sa utang.

Para sa mga mas regular na update mula sa Celsius Network team, puwede mong i-bookmark ang Celsius Network Blog, na naglalaman ng mga lingguhang update, mga bagong alok, at mga artikulo ng paliwanag.

what is celsius cel

cel

Sino ang Gumawa ng Celsius?

Na-incorporate sa London noong 2017, ang Celsius Network ay itinatag nina Alex Mashinsky, S. Daniel Leon, at Nuke Goldstein. Si Mashinsky ay isang matagumpay na entrepreneur at engineer na dating nagko-contribute sa mga foundation ng VOIP (Voice Over Internet Protocol) at nagtatag ng dalawa sa nangungunang 10 venture-backed exit sa NYC simula noong 2000.

Noong 2018, inilunsad ng Celsius ang isang Initial Coin Offering (ICO), na nakapangalap ng humigit-kumulang $50 milyon sa pamamagitan ng pagbebenta ng 325 milyong CEL (humigit-kumulang kalahati ng kabuuan nilang supply)

Bagama’t ginagabayan ng Celsius Foundation ang proyektong nag-a-allocate ng kanilang mga pondo, ang mga address ng mga sikat na may hawak ng CEL ay pampublikong available sa kanilang website.

cel

Paano Gumagana ang Celsius Work?


Ang Celsius Network ay binubuo ng mga naka-host na account sa Celsius at iba’t ibang crypto exchange na nagpaplanong i-minimize ang paglilipat ng mga crypto-asset sa labas ng system nito.

May apat na pangunahing player sa loob ng Celsius system:

  • Mga Nagpapahiram – Mga depositor na kumikita ng interes sa mga hawak nila sa mga account
  • Mga Humihiram – Mga margin trader na gustong kumuha ng mga naka-leverage na short o long na posisyon
  • Celsius Platform – Nangangasiwa ng mga trade, namamahala ng peligro, at tumutukoy ng mga bayad sa pag-trade
  • Mga external na merkado ng exchange – Nagpapatupad ng mga trade at nanghihiram/nagbibigay ng liquidity

Kita

Para magkaroon ng dagdag na kita gamit ang Celsius network, nagdedeposito ng mga crypto asset ang mga kasali sa platform at kumikita sila sa iba’t ibang cryptocurrency, gaya ng Bitcoin, Ethereum, o USDC. 

Namamahala ang Celsius ng mga idinepositong pondo sa isang ‘Lending Stake Pool,’ na ipinapahiram sa mga external exchange, at ang matatanggap na interes ay ipapamahagi sa mga user. 

Para matukoy ang distribusyong ibabayad sa mga nagpapahiram. Gumagamit ang Celsius ng modified na Proof-of-Stake (PoS) formula kung saan ang interes na ibinabayad sa mga nagpapahiram ay isang function ng mga pondong idineposito at bilang ng mga araw ng pagsali sa consensus mechanism ng Celsius. 

Paghiram

May ilang uri ng mga user na posibleng humiram sa Celsius platform.

  • Mga Pangkalahatang User – Mga user na nagdedeposito ng crypto sa Celsius Network at gumagamit sa mga pondo bilang collateral para makatanggap ng pautang.
  • Mga Trader – Mga accredited na investor (o mga SEC registered na pondo) na nanghihiram ng kapital sa mga lending pool ng Celsius para mag-trade. Kailangan ng mga account na ito ng minimum na balanse na $10k para masaklaw ang mga potensyal na pagkalugi at bayaring matatamo sa ilang partikular na aktibidad sa trading. 
  • Mga Exchange – Mga institusyong humihiram sa mga lending pool ng Celsius kung sakaling mangailangan sila ng dagdag na liquidity para mag-settle ng mga trade.
     

cel

Bakit May Halaga ang CEL?

Ang cryptocurrency ng Celsius Network, ang CEL, ay nagbibigay-daan sa mga user na umutang, magbayad, at tumanggap ng mga dagdag na benepisyo sa loyalty.

Gayunpaman, kadalasang ginagamit ang CEL bilang reward mechanism para sa mga user na nag-a-access sa Celsius Network at bilang collateral currency para tumanggap ng mga pautang. 

Nakakakuha ng mga dagdag na benepisyo ang mga may hawak ng CEL sa paggamit ng cryptocurrency sa pamamagitan ng pagbabayad ng utang sa mas murang halaga o pagkakaroon ng mas matataas na yield kung ikukumpara sa pag-opt in sa iba pang cryptocurrency. 

Bilang isang token na gawa sa Ethereum blockchain, naililipat din ang CEL sa iba pang katulad na token gaya ng ETH at DAI. Bukod pa rito, puwedeng ilipat ang CEL sa iba pang user sa loob ng Celsius network nang walang bayad sa transaksyon sa pamamagitan ng payment service nito na CelPay.

cel

Bakit gagamit ng CEL?

Nakakaengganyo sa mga user ang Celsius Network kung gusto nilang kumita ng yield sa anyo ng mga cryptocurrency o kung gusto nilang makakuha ng mga posisyon sa pag-trade na mas malaki sa balanse nila sa account.

Puwede ring magustuhan ng mga investor na ilagay ang CEL sa kanilang mga portfolio kung naniniwala sila sa hinaharap ng mga platform na nagpapahiram ng cryptocurrency. 

cel

Simulang bumili ng cryptocurrency


Hindi pa kami nag-aalok ng CEL sa Kraken, pero tingnan ang buo naming seleksyon dito at mag-sign up para sa isang account!

 

cel