Kraken

Ano ang Cryptocurrency?

Gabay ng Nagsisimula sa Crypto


Sa mga pinakasimula pa lang ng networked computing, may teorya ang mga researcher at scientist na posibleng magkaroon ng isang protocol na magbibigay-daan sa mga tao na magpalitan ng perang ganap na digital. 

Pero, tulad ng madalas na nangyayari sa larangan ng science, matagal na panahon ang lumipas bago nagkatotoo ang ideyang ito. Sa katunayan, sa kabila ng mga kapansin-pansing pagtatangkang gumawa ng mga anyo ng electronic cash noong 20th Century, nanatiling halos pangarap lang ang ideya hanggang sa maimbento ang Bitcoin noong 2009. 

I-fast forward natin sa panahon ngayon at may libo-libo nang teknolohiyang nagsasabing nakamit nila ang orihinal na kahulugan ng cryptocurrency, o kaya naman, na nakapag-innovate sila nang higit pa sa mga limitasyong ito at nakagawa ng isang ganap na bagong bagay.

Pero sa kabila ng iba’t ibang indibidwal na claim, maraming pagkakapare-pareho ang mga cryptocurrency bilang isang uri ng mga computing protocol. Halimbawa, nabuo ang karamihan dahil sa ipinapagpalagay na pangangailangan para sa mas mahigpit na digital privacy at sa pangangailangang alisin ang mga third party sa digital exchange.

Kahit na Bitcoin ang kasalukuyang pinakasikat sa mga cryptocurrency na mayroon ngayon, pare-pareho ang mga building block na ginagamit ng lahat.

Sa pangkalahtan, kabilang ang mga sumusunod sa mga karaniwang property ng mga cryptocurrency:

  1. Walang border: Puwede kang magpadala at makatanggap ng cryptocurrency mula sa kahit saan sa mundo.
  2. Matibay: Puwedeng gamitin nang paulit-ulit ang cryptocurrency nang hindi naluluma.
  3. Hindi mababawi: Hindi mababawi ang mga transaksyon at hindi magagastos ang mga unit nang dalawang beses.
  4. Hindi nangangailangan ng pahintulot: Hindi mo kailangang magbigay ng impormasyon, o pahintulot, para gumawa ng wallet at magkaroon ng sariling cryptocurrency.
  5. Magagamitan ng pseudonym: Hindi kailangang mag-ugnay ng mga personal na pangalan o impormasyong nagbibigay ng pagkakakilanlan sa mga transaksyon.

What is cryptocurrency crypto


Mga Unang Pagtatangka sa Cryptocurrency

Noong 1970s nagsimulang subukan ang komersyal at hindi pangmilitar na gamit ng cryptography sa mas maraming bagay. Sa panahong ito umusbong ang cypherpunk movement, na nakatuon sa paggawa ng mga bagong system sa pamamagitan ng cryptography at open source code.

Kasama sa malalaki at naunang proyekto ang: 

eCash ni Dr. David Chaum: Ang unang malaking pagtatangkang gumawa ng digital na currency, sino-store ng mga eCash user ang kanilang pera sa digital na format, na lalagdaan ng bangko sa cryptographic na paraan, at magagamit ito sa kahit saang tindahang tumatanggap ng eCash.

Hashcash ni Dr. Adam Back: Isang anti-spam mechanism na naglagay ng bayad para sa pagpapadala ng mga email, at dito, hindi kailangang gumawa ng mga user ng account para magkaroon ng access.

B-money ni Wei Dai: Isang mungkahi para sa anonymous at distributed na digital cash system kung saan may hiwalay na database ang bawat kasali sa kung gaano kalaking pera ang pagmamay-ari ng mga user. May incentive ang mga kalahok na manatiling tapat sa pamamagitan ng pagtaya ng kanilang pera.

Reusable proof of work (RPOW) ni Hal Finney: Isang scheme para sa paggawa ng mga natatanging cryptographic token na isang beses lang magagamit. Sa system na ito, isang central server ang gumagawa ng pag-validate at pag-iwas sa dobleng paggastos

Bit Gold ni Nick Szabo: Isang digital collectible na batay sa RPOW ni Finney. Ibabatay ang halaga ng mga unit sa dami ng isinagawang computational work. Ipinakilala rin ng Bit Gold ang ideya ng kakulangan para sa mga digital currency. 


Sa kabila ng magkatulad na layunin ng mga ito, hindi nagtagumpay ang karamihan sa mga naunang pagsubok sa cryptocurrency dahil sa hindi nakaiwas ang mga ito sa central control at hindi nakapagpanatili ng economic na halaga ang mga unit.

Hanggang noong Oktubre 31, 2008, nang ipinakilala ng isang pseudonymous actor, o mga actor, ang Bitcoin, na ibinatay sa mga nakalipas na ideyang ito habang nilulutas ang mga pagkukulang ng mga ito.

Ang Mga Pinagmulan ng Cryptocurrency


Gayunpaman, para ganap na maunawaan ang mga modernong cryptocurrency, kailangang alamin ang malalim na kasaysayan ng iba’t ibang pagtatangkang gumawa ng digital money. 

Dahil ito sa pinakamahusay na inilalarawan ang mga cryptocurrency ngayon bilang “combinatorial inventions,” mga imbensyong gumagawa ng bagong teknolohiya gamit lang ang kumbinasyon ng mga pagtatanggakang ginawa noon. 

Nakaugat ang lahat ng cryptocurrency ngayon sa cryptography, ang mga technique na ginagamit para sa secure na pribadong komunikasyon, at sa encryption, ang proseso ng pag-encode sa impormasyong iyon. 
 

 

Ano ang cryptography?


Ang cryptography ay ang science sa likod ng paggawa ng mga code at cypher na nagbibigay-daan sa mga taong mag-transmit ng impormasyon sa pribado at secure na paraan.

Puwedeng mabalikan ang mga naunang anyo ng cryptography sa ilang partikular na sinaunang sibilisasyon, isang sikat na halimbawa ang paggamit ng pamalit na simbolo sa Egyptian writings. 

Pero na-develop na nang husto ang cryptography simula noon at marami na itong pinagdaanang paulit-ulit na pagsubok para umakma sa panahon. Halimbawa, noong middle ages, ine-encode ang mga mensahe gamit ang dalawang titik, at kailangan ng access ng mga mambabasa sa pareho para ma-decipher ang mga mensahe.

Noong simula ng 1900s, mga military at spy agency ang pangunahing gumagamit ng cryptography, lalo na noong panahon ng digmaan, kung kailan ang lihim na komunikasyon ay isang napakahalagang paraan para magpadala ng impormasyon sa pagitan ng mga himpilan. Isa sa mga pinakasikat na cryptographer noong simula ng 20th century si Alan Turing, na gumawa ng machine na nakatulong sa pag-decrypt ng mga mensahe ng Germany noong WW2.

Ngayon, tinatawag na encryption ang paraang nagse-secure sa mga cryptographic na transmission kapag nasa transit ang mga ito mula sa isang partido papunta sa isa pa, partikular dito kung gamit ang internet. 

 

Mga Digital Signature


Sa cryptography ngayong modernong panahon, puwedeng lagyan ng signature ang impormasyon o data gamit ang isang pribadong key, at, tulad noong unang panahon, puwedeng i-verify ng mga third party ang signature ng mensahe.

Karaniwang ginagamit ang mga digital signature para protektahan ang integridad at pagiging tunay ng mga komunikasyon at para gawing immutable (hindi nababago) ang nagta-transition na data. Para gumawa at mag-verify ng mga signature, umaasa ang mga user sa isang hanay ng mga key, pribado at pampubliko. 

Gumagamit ang mga cryptocurrency network ng mga digital signature para i-enable ang paglipat ng mga crypto-asset. Ibinibigay ng tatanggap ang kanilang pampublikong key sa magpapadala, at lalagdaan ng pribadong key ng magpapadala ang isang transaksyong nag-a-assign ng asset sa pampublikong key ng tatanggap.

Ang mga hash function ay isa pang feature na karaniwan sa cryptography, at na mahalaga sa mining, isang paraan kung paano sine-secure ng mga cryptocurrency, tulad ng Bitcoin, ang naipamahaging network at pinapamahalaan ang pag-release ng mga bagong monetary unit. 

Ang hashing ay isang mathematical na proseso kung saan ang input ng impormasyon ng data na may kahit anong laki ay ginagawang output na may hindi nababagong laki. Para maiproseso ang mga block sa protocol ng Bitcoin, nag-uunahan ang mga computer sa pagbuo ng mga hash hanggang sa magkaroon ang isa sa mga hash ng sapat nang maliit na value.   

Ihahayag ang nanalong hash sa iba pang computer para ma-verify ng mga ito kung totoo o hindi ang solusyon. Kung totoo ito, bibigyan ng bagong Bitcoin ang user na naghayag ng block.

Ang mga digital signature at hashing ay mahahalaga ring technological na asset sa likod ng maraming dating pagtatangkang gumawa ng digital cash at ginagamit ang mga ito sa maraming cryptocurrency. 

 

Bitcoin ni Satoshi Nakamoto


Sa ilalim ng pseudonym na Satoshi Nakamoto, na-publish ng programmer (o grupo ng mga programmer) ang whitepaper na “Bitcoin: A Peer-to-Peer Electronic Cash System.”

Sa halip na umasa sa isang centralized server o database para mag-store ng impormasyon sa mga transaksyon, account, at balanse, umasa ang Bitcoin sa sarili nitong network ng mga user para ibigay ang serbisyong iyon. 

Sa simula ng 2009, na-mine ang mga unang bitcoin, na hahantong sa paglaki ng ecosystem ng cryptocurrency na nakikita natin ngayon.

Kung gusto mo ng higit pang impormasyon tungkol sa kung paano gumagana ang Bitcoin, basahin lang ang aming gabay na ‘Ano ang Bitcoin?,’ na nag-aalok ng mas malalim na pagdedetalye ng teknolohiya at layunin nito.


Mga Gabay sa Crypto ng Kraken

 

Mga Kapaki-pakinabang na Resource

Simula noong 2010s, sinubukan ng maraming project sa cryptocurrency na gawing batayan ang kasaysayan ng imbensyong ito. 

Kung interesado kang matuto tungkol sa iba’t ibang uri ng cryptocurrency, pumunta sa page na “Mga uri ng cryptocurrency” ng Kraken. 

Gusto mo ba ng malalim na impormasyon sa mga partikular na cryptocurrency? Kung oo, bisitahin ang aming Learn Center para sa mas detalyadong kaalaman tungkol sa lumalawak na larangang ito.

Simulang bumili ng mga Cryptocurrency


Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng cryptocurrency!