Ano ang Loopring? (LRC)
Pagpapaliwanag sa Loopring
Ang Loopring ay isang software na tumatakbo sa Ethereum na naglalayong bigyan ng insentibo ang isang pandaigdigang network ng mga user na magpatakbo ng isang platform na nagbibigay-daan sa paggawa ng mga bagong uri ng crypto asset exchange.
Bilang isa sa mga umuusbong na decentralized finance (DeFi) protocol, gumagamit ang Loopring ng iba’t ibang cryptocurrency, kabilang ang sarili nitong LRC cryptocurrency, para makapag-provide sa platform na ito.
Higit sa lahat, ayon sa Loopring, bibigyang-daan ng platform ang paggawa ng mga exchange dito para maiwasan ang bagal at mataas na gastos na nauugnay sa mga decentralized exchange sa Ethereum sa pamamagitan ng paggamit ng mas bagong uri ng cryptography na tinatawag na mga zero-knowledge rollup, o mga zkRollup.
Sa mga zkRollup, sinasabi ng Loopring na makakapag-alok ang mga exchange nito ng mas mabibilis na settlement para sa mga trader. Sa halip na direktang magbenta ng mga trade sa Ethereum blockchain (gaya ng ginagawa ng iba pang decentralized exchange), nagbibigay-daan ang mga zkRollup na makumpleto ng mga Loopring exchange ang mga pangunahing computation sa ibang lugar.
Ang ideya ay nakakabawas ito ng dami ng transaksyong kakailanganing isumite ng Loopring exchange sa Ethereum network, na magpapabilis at magpapababa sa mga gastusin para sa mga trader.
Iba ito sa iba pang decentralized exchange, kung saan ang mga transaksyon ay kailangang kumpirmahin ng Ethereum network, na tumatagal nang ilang minuto sa halip na segundo o millisecond.
Sino ang Gumawa sa Loopring?
Ang Loopring ay itinatag ni Daniel Wang, isang software engineer na nakabase sa China, na nagtrabaho sa mga internet company kabilang ang Google at JD.com.
Noong 2017, nagsagawa ang Loopring ng initial coin offering, na nakapangalap ng 120,000 sa ether na nagkakahalaga ng $45 milyon. Gayunpaman, dahil sa paghihigpit ng mga regulasyon sa mga naturang offering sa China sa panahong iyon, kinailangan ng Loopring na ibalik ang karamihan sa mga pondo nila mula sa pampublikong bentahan.
Ibinalik ng team ang humigit-kumulang 80% ng mga nakalap na pondo, ayon kay Wang, at ipinagpatuloy ng Loopring team ang pag-develop sa exchange nito gamit ang mga natitirang kita.
Paano Gumagana ang Loopring?
Ang pangunahing pakinabang ng Loopring ay ang cutting-edge na cryptography na naka-integrate sa platform nito.
Dahil dito, mahalagang tandaan na ang mga zkRollup ay isa lang sa mga panukalang paraan para gawing mas akma ang Ethereum blockchain sa mga DeFi application. Kabilang sa mga nagkukumpitensyang cryptographic proposal ang xDai, Matic, Optimistic Rollups, at Plasma.
Para sa ilang tagapagtaguyod, malaki ang potensyal ng mga ZkRollup dahil sinasamantala ng mga ito ang isang kilalang anyo ng cryptography na tinatawag na mga zero-knowledge proof, isang technique na nagbibigay-daan sa isang computer program na gumawa ng claim tungkol sa data nang hindi talaga ibinabahagi ang data.
Bilang halimbawa, puwedeng bigyang-daan ng isang zero-knowledge proof ang isang ahensya ng pamahalaan na i-verify na lampas ka na sa edad na kailangan para mag-access ng website, nang hindi ibinabahagi ang eksakto mong petsa ng kapanganakan.
Gamit ang parehong technique na ito, nagba-bundle ang mga zkRollup ng daan-daang paglilipat sa iisang transaksyon, na nagbibigay-daan sa mabilis at murang mga trade na maganap muna sa labas ng Ethereum blockchain.
Pagkatapos, ise-settle sa blockchain ang mga transaksyong ito, kung saan ginagamit ang mga zero-knowledge proof para kumpirmahing tumpak ang mga off-chain na transaksyon.
Mga zkRollup sa Loopring
Para magsimula sa pag-trade sa isang Loopring exchange, dapat munang ipahiram ng mga user ang kanilang mga pondo sa isang smart contract na pinapamahalaan ng Loopring protocol.
Mula doon, ililipat ng mga Loopring exchange ang computation na kinakailangan para kumpletuhin ang mga trade sa labas ng pangunahing Ethereum blockchain. Kasama rito ang impormasyon gaya ng mga balanse ng account ng user at mga history ng order.
Pagkatapos, ise-settle ang mga transaksyon sa Ethereum blockchain para i-finalize ang mga trade sa pagitan ng mga user na unang naitugma sa labas ng chain. Iba-batch ang mga trade na ito para mapababa ang gastos at mapabilis ang mga ito. Ayon sa Loopring, nakakatawag ito ng mahigit 2,000 trade kada segundo sa technique na ito.
Ang bawat batch ng mga transaksyon ay idaragdag sa Ethereum blockchain gamit ang mga zero-knowledge proof na nagbibigay-daan sa sinuman na i-reconstruct ang mga transaksyon na nangyari sa labas ng chain.
Binibigyang-daan nito ang mga user na magtiwalang totoo ang mga transaksyon at hindi napakialaman ang mga ito ng sinumang hindi kanais-nais na party.
Bakit May Halaga ang LRC?
Ang Loopring cryptocurrency, LRC, ay kinakailangan para sa mga pangunahing pagpapatakbo sa protocol.
Halimbawa, ang sinumang gustong magpatakbo ng decentralized exchange sa Loopring ay dapat mag-lock ng hindi bababa sa 250,000 LRC, na magbibigay-daan sa operator na magpagana ng exchange na gumagamit sa mga on-chain na data proof nito. Dapat mag-stake ang isang operator ng 1 milyong LRC para magpatakbo ng exchange nang wala ang feature na ito.
Isa pa, tumutulong ang LRC na bigyan ng insentibo ang wastong paggamit sa Loopring network. Puwede pa ngang kumpiskahin ng protocol ang mga deposito ng mga operator ng exchange na magdedeposito ng LRC kung hindi magiging maganda ang pagpapatakbo nila sa mga exchange. Ang mga kinumpiskang pondong ito ay ipapamahagi sa mga user na piniling mag-lock ng LRC.
Sa ibang lugar, ang sinumang user ay puwedeng mag-stake ng LRC para kumita ng bahagi ng mga bayarin sa pag-trade na ibinabayad sa protocol.
Humigit-kumulang 70% ng mga bayarin ang ipinapamahagi sa mga user na nag-stake ng LRC. May dagdag na 20% nakalaan sa Loopring Decentralized Autonomous Organization (DAO), na idinisenyo para bigyang-daan ang isang pool ng mga pondo na gastusin ayon sa kagustuhan ng mga user ng Loopring sa hinaharap.
Bilang panghuli, 10% ng mga bayarin ang binu-burn. Ibig sabihin, bababa ang kabuuang supply ng LRC sa paglipas ng panahon, na magbibigay ng pressure sa presyo nito. Ang kabuuang supply ng LRC ay limitado sa 1.375 bilyong token.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
Ano ang Bitcoin? (BTC)
Ano ang Ethereum? (ETH)
Ano ang Ripple? (XRP)
Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
Ano ang Litecoin? (LTC)
Ano ang Chainlink? (LINK)
Ano ang EOSIO? (EOS)
Ano ang Stellar? (XLM)
Ano ang Cardano? (ADA)
Ano ang Monero? (XMR)
Ano ang Tron? (TRX)
Ano ang Dash? (DASH)
Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
Ano ang Zcash? (ZEC)
Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
Ano ang Algorand? (ALGO)
Ano ang Icon? (ICX)
Ano ang Waves? (WAVES)
Ano ang OmiseGo? (OMG)
Ano ang Gnosis? (GNO)
Ano ang Melon? (MLN)
Ano ang Nano? (NANO)
Ano ang Dogecoin? (DOGE)
Ano ang Tether? (USDT)
Ano ang Dai? (DAI)
Ano ang Siacoin? (SC)
Ano ang Lisk? (LSK)
Ano ang Tezos? (XTZ)
Ano ang Cosmos? (ATOM)
Ano ang Augur? (REP)
Bakit Ko Kailangang Gumamit ng LRC?
Dapat mong gamitin ang LRC kung naniniwala kang patuloy na gagamitin ng mga trader ang mga decentralized exchange na venue kasabay ng mga tradisyonal na opsyon, at may bentahe ang Loopring sa mga alternatibo dahil sa makabagong cryptography na ginagamit nito.
Puwede ring maging interesado ang mga user sa paparaming oportunidad sa pag-trade na hatid ng mga decentralized exchange. Kapag ginamit kasabay ng exchange gaya ng Kraken, puwede ring makakita ang mga user ng mga oportunidad sa arbitrage sa malawak na hanay ng mga accessible na merkado.
Bilang karagdagan, puwede ring kainteresan ng mga investor ang Loopring kung gusto nilang mag-access ng malawak na hanay ng mga proyektong ginawa sa Ethereum blockchain o mga alternatibo sa iba pang mga platform tulad ng Solana o Polygon.
Simulan na ang pagbili ng Loopring (LRC)
Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng Loopring!