Ano ang Polkadot? (DOT)
Gabay ng Nagsisimula sa Polkadot
Ang Polkadot ay isang software na naglalayong i-incentivize ang isang global network ng mga computer para magpatakbo ng blockchain kung saan makakapag-launch at makakapagpatakbo rin ang mga user ng sarili nilang mga blockchain.
Sa ganitong paraan, isa ang Polkadot sa ilang nakikipagkumpitensyang blockchain na gustong palawakin ang ecosystem ng mga cryptocurrency, kasama ng iba pang kilalang halimbawa na Ethereum (ETH), Solana (SOL) at Polygon (MATIC).
Pero, ang Polkadot na na-launch noong 2020 ay isa sa mga pinakabago, at nagpapakilala ito ng ilang bagong teknikal na feature para maabot ang malaking layunin nito.
Para magsimula, idinisenyo ang Polkadot na magpatakbo ng dalawang uri mga blockchain. Ang pangunahing network, na tinatawag na relay chain, kung saan permenente ang lahat ng mga transaksyon, at mga user-created na network, na tinatawag na mga parachain.
Puwedeng i-customize ang mga parachain para sa kahit ilang paggamit at i-feed sa pangunahing blockchain, para makinabang ang mga transaksyon sa parachain sa security ng pangunahing chain.
Sa ganitong disenyo, ipinapagtanggol ng Polkadot team na puwedeng mapanatiling secure at tumpak ang mga transaksyon gamit lang ang mga computing resource na kinakailangan para patakbuhin ang pangunahing chain. Pero, magkakaroon din ang mga user ng karagdagang kakayahan na makapag-customize ng maraming parachain para sa maraming iba’t ibang paggamit.
Naniniwala ang Polkadot team na magbibigay-daan ang disenyong ito sa mga user nito na magsagawa ng mga transaksyon sa mas pribado at mahusay na paraan, na gagawa ng mga blockchain na hind’i naghahayag ng data ng user sa pampublikong network o, kung hindi naman, nagpoproseso ng mas maraming transaksyon.
Sa ngayon, nakalikom ang Polkadot ng humigit-kumulang $200 million mula sa mga investor sa dalawang pagbebenta ng cryptocurrency nito na DOT, dahilan para maging isa ito sa mga blockchain project sa kasaysayan na may pinakamalaking pondo.
Puwedeng i-follow ng mga user na gustong manatiling connected sa kasalukuyang development status ng projec’t ang opisyal na Polkadot project roadmap para sa mga up-to-date na detalye.
Sino ang gumawa ng Polkadot?
Ang Polkadot ay itinatag ni Gavin Wood (co-founder ng Ethereum) kasama ng mga co-founder na si Peter Czaban at Robert Habermeier noong 2016.
Kahanga-hanga ang background ni Wood dahil siya ang nag-imbento ng Solidity, ang language na ginagamit ng mga developer para magsulat ng mga decentralized application (dapp) sa Ethereum. Siya rin ang unang CTO ng Ethereum Foundation, at dating research scientist sa Microsoft.
Itinatag ni Wood ang kumpanyang tinatawag na Parity Technologies noong 2015 kasama si Jutta Steiner. Ang layunin nito ay magpatupad ng mga project na gustong gawing batayan ang Ethereum. Tumulong din ito sa software na mahalaga sa pagpapatakbo ng Ethereum, kasama ng isa sa dalawang kliyenteng pinapatakbo ng karamihan sa mga network node.
Mine-maintain ngayon ng Parity Technologies ang Substrate, isang software development framework na pangunahing ginagamit ng mga developer ng Polkadot na gustong mabilis na gumawa ng mga parachain.
Web3 Foundation
Ang Web3 Foundation ay isang non-profit na nagsasagawa ng mga pagbebenta ng token ng Polkadot. Si Gavin Wood din an gpresidente nito, at co-founder siya nito kasama si Pete Czaban.
Natanggap ng Web3 Foundation ang 30% ng mga pondo mula sa mga pag-aalok ng token, at pinapangasiwaan nito ang allocation ng mga pondong iyon para sa pagpapalawak ng development ng Polkadot.
Paano gumagana ang Polkadot?
Nagbibigay-daan ang Polkadot network sa paggawa ng tatlong uri ng mga blockchain.
- Ang Relay Chain – Ang pangunahing blockchain ng Polkadot, sa network na ito nafa-finalize ang mga transaksyon. Para maging mas mabilis, hinihiwalay ng relay chain ang pagdaragdag ng mga bagong transaksyon sa mismong pag-validate sa mga transaksyong iyon. Sa pamamagitan ng ganitong modelo, nakakapagproseso ang Polkadot ng mahigit 1,000 transaksyon bawat segundo, ayon sa 2020 testing.
- Mga Parachain – Ang mga parachain ay mga custom na blockchain na gumagamit ng mga computing resource ng relay chai’n para kumpirmahing tumpak ang mga transaksyon.
- Mga Bridge – Nagbibigay-daan ang mga bridge sa Polkadot network na makipag-ugnayan sa iba pang blockchain. Gumagawa na ng mga bridge sa mga blockchain tulad ng EOS, Cosmos, Ethereum, at Bitcoin, na magbibigay-daan sa mga token na ma-swap nang walang central exchange.
Ang Relay Chain
Para mapanatiling tugma ang network nito kaugnay ng status ng system, gumagamit ang Polkadot Relay Chain ng variation ng proof-of-stake (PoS) consensus na tinatawag na nominated-proof-of-stake (NPoS).
Sa system na ito, ang kahit sinong nagse-stake ng DOT sa pamamagitan ng pag-lock ng cryptocurrency sa isang espesyal na contract ay puwedeng gumawa ng isa o higit pa sa mga sumusunod na tungkuling kinakailangan sa pagpapatakbo nito:
- Mga Validator – Vina-validate ang data sa mga parachain block. Sumasali rin sila sa consensus at bumoboto sa mga iminungkahing pagbabago sa network.
- Mga Nominator – Sine-secure ang Relay Chain sa pamamagitan ng pagpili ng mga mapagkakatiwalaang validator. Itinatalaga ng mga nominator ang kanilang mga na-stake na DOT token sa mga validator at, kaya naman, sa mga validator na iyon napupunta ang kanilang mga boto.
- Mga Collator – Mga node na nagso-store ng buong history para sa bawat parachain at nagsasama-sama ng data ng transaksyon sa parachain sa mga block na idaragdag sa Relay Chain.
- Mga Fisherman – Nagmo-monitor sa Polkadot network at nag-uulat ng hindi magandang gawi sa mga validator.
Ang mga user na nagse-stake ng DOT at gumagawa ng mga tungkuling ito ay kwalipikado ring makatanggap ng mga DOT reward.
Pamamahala sa Polkadot
Puwedeng maimpluwensyahan ng tatlong uri ng mga user ng Polkadot ang development ng software.
Kasama rito ang:
- Mga may-ari ng DOT – Puwedeng gamitin ng kahit sinong bibili ng mga DOT token ang kanilang mga DOT para magmungkahi ng mga pagbabago sa network at aprubahan o tanggihan ang malalaking pagbabagong iminungkahi ng iba.
- Ang Council – Hinalal ng mga may-ari ng DOT, responsable ang mga miyembro ng council sa pagmumungkahi ng mga pagbabago at pagtukoy sa kung aling mga pagbabagong iminungkahi ng mga may-ari ng DOT ang gagawin sa software. Mas kaunting boto ang kailangan para maaprubahan ang mga mungkahi ng mga miyembro ng Council kaysa sa mga mungkahi ng mga ordinaryong may-ari ng DOT.
- Ang Technical Committee – Binubuo ng mga team na aktibong gumagawa ng Polkadot, puwedeng gumawa ang grupong ito ng mga espesyal na mungkahi kapag may emergency. Ang mga miyembro ng technical committee ay binoboto ng mga miyembro ng Council.
Ano ang Kaibahan ng Polkadot sa Ethereum?
Dahil sa iisa ang high-profile founder ng mga ito, maraming haka-haka sa kung ano ang kaibahan ng Polkadot sa Ethereum.
Totoo, ang Polkadot at ang paparating na malaking update sa Ethereum, na kilala bilang Ethereum 2.0, ay maraming pagkakatulad sa disenyo at pagtakbo.
Ang parehong network ay nagpapatakbo ng pangunahing blockchain kung saan fina-finalize ang mga transaksyon at nagbibigay-daan sa paggawa ng maraming mas maliliit na blockchain na gumagamit sa mga resource nito. Gumagamit din ang parehong teknolohiya ng staking sa halip na mining bilang paraan para mapanatiling maayos ang network.
Tuloy-tuloy ang research sa kung paano magiging interoperable ang mga transaksyon sa pagitan ng mga network. Nag-develop ang Parity, halimbawa, ng teknolohiyang idinisenyo para sa mga user na gustong mag-deploy ng mga application na gumagamit ng code at komunidad ng Ethereu’m, pero na gagana sa Polkadot.
Panghuli, puwedeng gamitin ng mga developer ang development framework ng Polkadot para mag-simulate ng kopya ng Ethereum blockchain na magagamit sa sarili nilang mga custom na disenyo ng blockchain.
Bakit may halaga ang DOT?
Ang DOT na cryptocurrency ay may mahalagang tungkulin sa pagme-maintain at pagpapatakbo sa Polkadot network.
Sa pamamagitan ng pagmamay-ari at pag-stake ng DOT, magkakaroon ang mga user ng kakayahang bumoto sa mga pag-upgrade sa network, kung saan katumbas ng dami ng stake nilang DOT cryptocurrency ang bawat boto. Mula noong 2020, nagyi-yield ang pag-stake ng DOT sa Kraken ng 12% annual return.
Nire-reward ng Polkadot ang mga user na ito gamit ang kaka-mint pa lang na DOT batay sa kung gaano karaming token ang sine-stake nila, kung saan nakakakuha ng mga reward ang lahat ng apat na pangunahing tungkulin sa consensus.
Pero dapat tandaan ng mga investor na sa simula, pinayagan ng mga panuntunan ng software ng Polkado’t ang paggawa ng 10 milyong DOT, nang walang limitadong supply. Sa halip, inaasahang walang hanggan ang pag-release ng mga bagong DOT token, sa predetermined na inflation rate.
Bilang resulta ng pagboto ng may-ari ng token noong 2020, nagbago ang standard unit para sa mga DOT token sa kalaunan, na binago ang base unit ng currency at nag-redenominate sa supply sa 1 bilyong DOT.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
Ano ang Bitcoin? (BTC)
Ano ang Ethereum? (ETH)
Ano ang Ripple? (XRP)
Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
Ano ang Litecoin? (LTC)
Ano ang Chainlink? (LINK)
Ano ang EOSIO? (EOS)
Ano ang Stellar? (XLM)
Ano ang Cardano? (ADA)
Ano ang Monero? (XMR)
Ano ang Tron? (TRX)
Ano ang Dash? (DASH)
Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
Ano ang Zcash? (ZEC)
Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
Ano ang Algorand? (ALGO)
Ano ang Icon? (ICX)
Ano ang Waves? (WAVES)
Ano ang OmiseGo? (OMG)
Ano ang Gnosis? (GNO)
Ano ang Melon? (MLN)
Ano ang Nano? (NANO)
Ano ang Dogecoin? (DOGE)
Ano ang Tether? (USDT)
Ano ang Dai? (DAI)
Ano ang Siacoin? (SC)
Ano ang Lisk? (LSK)
Ano ang Tezos? (XTZ)
Ano ang Cosmos? (ATOM)
Ano ang Augur? (REP)
Bakit gagamit ng DOT?
Posibleng maging interesado ang mga user sa Polkadot Network batay sa pagtuon nito sa pagpapadali ng interoperability sa pagitan ng mga blockchain.
Higit pa rito, may iba't ibang project na binubuo na sa Polkadot. Kasama sa ilang halimbawa ang isang cloud platform, isang browser extension wallet, at iba’t ibang uri ng mga block explorer.
Puwedeng maging interesante ang DOT para sa mga investor na gustong makakuha ng mga reward sa staking. Halimbawa, nag-aalok ang Kraken ng staking service na nagbibigay-daan sa mga user na mag-stake ng DOT at makakuha ng 12% annual interest.
Simulang bumili ng Polkadot
Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang DOT!