Kraken

Ano ang Tether? (USDT)

Gabay ng Nagsisimula


Ang gumawa ng una at pinakamalawak na ginagamit na stablecoin, ang Tether Limited ay isang kumpanyang nagpapatakbo ng platform na naglalabas ng mga blockchain-based asset na nakaugnay sa presyo ng pera ng pamahalaan. 

Sa ngayon, may apat na stablecoin na sinusuportahan ng Tether: U.S. dollar (USDT), Chinese Yuan (CNHT) at Euro (EURT), at stablecoin na sinusuportahan ng 1 oz. ng ginto (XAUT). Sinusubukan ng presyo ng Tether na panatilihin ang isang value peg sa isang pinagbabatayan na asset.

Unang inilunsad gamit ang USDT noong 2014, ang ideya ng kumpany’a ay gawing mas compatible ang mga pera ng pamahalaan sa mas bagong mga crypto asset, na tine-trade 24/7 sa aktibong pandaigdigang market. 

Ang bawat USDT token ay maaaring i-redeem kapalit ng katumbas na U.S. dollar na hawak ng Tether Limited. Ang kabuuang halaga ng lahat ng USDT ay sinasabing katumbas ng mga reserbang hawak ng kumpanya.

Kapag may bagong na-mint at nailabas na USDT, maaari itong ipasa, i-store gastusin ng iba't ibang negosyo (exchange, wallet, serbisyong pinansyal) at mga indibidwal na trader na gustong maiwasan ang kung minsan ay matinding volatility ng mga market ng cryptocurrency.

Ngayon, ang mga stablecoin ay nagsisimulang uri ng mga crypto asset na nagsisimulang makakita ng mga paggamit sa labas ng pag-trade, kabilang sa mga sektor tulad ng mga nakasanayang cross-border na pagbabayad

Noong 2020, USDT pa rin ang pinakamalaki at pinakamalawak na ginagamit na stablecoin. 

Gayunpaman, tinanggap ng pinakamalalaking kumpanya sa mund’o ang konsepto. Halimbawa, inanunsyo ng Facebook noong 2019 na hinahangad nitong ilunsad ang sarili nitong stablecoin, na pinangalanang Libra. 
 

What is tether usdt


Sino ang gumawa sa Tether?

Nagsimula ang Tether noong unang bahagi ng 2010s, noong unang nagsimulang isipin ng mga technologist na maaaring baguhin ang mga Bitcoin para kumatawan ang mga ito sa mga bagong uri ng mga asset. 


Tulad ng nangyari, dalawang grupo ang nagsimulang magtrabaho sa ideyang ang Bitcoin blockchain ay maaaring maging platform na ginagamit para sa paglalabas ng cash - isang startup na tinatawag na Realcoin at ang cryptocurrency exchange na Bitfinex.
 
Sa kalaunan, magsasanib-puwersa ang mga pagsisikap ng dalawang proyekto, na hahantong sa pagbuo ng Tether Limited. 

Sa ngayon, nagbibigay-daan ang kumpanya sa mga user na mag-store at maglipat ng mga Tether currency at tumulong sa pagsasama ng mga asset ng Tether para sa pangangalakal sa mga pangunahing exchange tulad ng Kraken.
 

Paano gumagana ang Tether?


Ang Tether Limited ay tumatanggap ng mga cash deposit at withdrawal sa ngalan ng mga kliyente, at responsable ito sa paggawa at pagsira ng mga Tether token alinsunod sa mga reserbang pinangangasiwaan nila. 

Tether sa Bitcoin

Orihinal na inilunsad at inilabas ang Tether sa Bitcoin blockchain sa pamamagitan ng Omni Layer protocol, isang platform na ginagamit para sa paggawa at pag-trade ng mga digital na asset gamit ang Bitcoin. 

Nagbibigay-daan ang teknolohiyang ito sa pag-mint at pag-burn ng mga Tether token batay sa halagang nasa kustodiya. Puwede ring subaybayan at iulat sa pamamagitan ng protocol ang pag-ikot ng mga Tether. 

Naka-store ang ledger ng Tethe’r sa Bitcoin blockchain dahil sa Omni, at nagbibigay-daan ang Omni Explorer sa mga user na tingnan ang mga na-verify nilang mga transaksyon doon. Noong 2020, available din ang mga Tether bilang mga asset sa Liquid, na isang sidechain ng Bitcoin. 

Tether sa Iba pang Blockchain 

Available na ngayon ang Tether sa iba pang blockchain, kabilang ang Ethereum (ETH), Tron (TRX) at EOSIO (EOS), na nagbibigay-daan sa native na paggawa ng mga bagong asset sa mga blockchain ng mga ito. 

Sa ngayon, nasa Ethereum ang pinakamalaking market para sa USDT. 
 


Bakit may halaga ang Tether?

Mataas ang halaga ang mga stablecoin dahil nag-aalok ang mga ito sa mga trader ng mahusay na tool para maiwasan ang kung minsan ay matinding volatility ng mga market ng cryptocurrency. 

Halimbawa, sa pamamagitan ng paglilipat ng value sa USDT, baka mabawasan ng trader ang panganib niya sa exposure sa biglaang pagbagsak ng presyo ng mga cryptocurrency. Ang pagkakaroon ng USDT (sa halip na U.S. dollar) ay maaaring makatanggal ng mga gastusin at pagkaantala sa transaksyon na nakakasagabal sa pakikipag-trade sa crypto market. 

Natuklasan din ng mga exchange na ang Tether ay makapangyarihang tool na nagbibigay-daan sa mga ito na dagdagan ang bilang ng mga inaalok nilang trading pair, habang tumutulong na mapadali ang aktibidad sa mga heograpiya kung saan maaaring hindi available ang cash trading.

Gayunpaman, dapat tandaan ng mga trader na ang halaga ng Tether ay minsang lumalampas sa itaas at ibaba ng gusto nitong peg. Halimbawa, kung minsan, naapektuhan ang presyo ng confidence sa kung ang mga Tether ay ganap na sinusuportahan ng mga asset na nasa kustodiya sa Tether Limited.

Bukod pa rito, mainam kung alam ng mga trader na kakailanganin nilang matugunan ang mga kinakailangan ng know-your-customer na ipinapatupad ng Tether Limited upang maglabas at mag-redeem ng mga asset ng Tether. 
 

Magsimula nang bumili ng Tether


Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang USDT!