Kraken

Ano ang DeFi?

Ang Gabay ng Nagsisimula sa Desentralisadong Pananalapi


Kung sinasaliksik mo ang mundo ng cryptocurrency, malamang na narinig mo nang ginamit ang terminong “DeFi” para ilarawan ang iba't ibang bagong protocol at asset. 

Una, mahalagang tandaang bago-bagong termino ang DeFi na kakasimula lang magamit ng mas maraming tao. Ibig sabihin, ang DeFi, na maikli para sa decentralized finance, ay walang nakatakdang kahulugan. Sa halip, sinusubukan nitong ilarawan kung ano ang sinisikap ngayong makamit ng isang partikular na uri ng mga cryptocurrency. 

Sa kabila nito, masasabing may mga lumalabas na pagkakatulad ang mga DeFi na cryptocurrency. 

Karamihan sa mga proyekto ng DeFi ay mga protocol ng software na tumatakbo sa isa pang cryptocurrency – karaniwang Ethereum o Cosmos – at gumagamit ang mga ito ng kumbinasyon ng crypto asset ng protocol na iyon (pati na rin ang sarili nito at posibleng iba pa) bilang paraan para mag-automate ng serbisyong pinansyal.

Ang isang magandang praktikal na halimbawa nito ay ang cryptocurrency na DAI

Sa madaling salita, nagbibigay-daan ang DAI sa mga user na “mag-lock” ng cryptocurrency sa isang smart contract na gumagana sa Ethereum blockchainkung saan ginagamit bilang collateral ang mga pondo para makabuo ng mga bagong asset na nagpapagana sa serbisyo ng pagpapahiram nito.

Ang mga proyekto ng DeFi tulad ng DAI ay maaari ding may tinatawag na “governance token,” isang crypto asset na maaaring magbigay-daan sa mga user na maimpluwensyahan ang direksyon ng proyekto o pagkakitaan ang serbisyo.

Para sa mga tagapagtaguyod ng mga DeFi na cryptocurrency, ang ibig sabihin nito ay nagsisilbing “mga capital asset” ang mga ito tulad ng mga stock at bond. Kaya naman, habang posibleng magsilbi ang Bitcoin bilang purong pera o store ng halaga, ang mga bagong crypto asset na ito ay naglalayong magbigay ng exposure sa halaga ng serbisyong ibinigay.

Tandaan: Kumakatawan ang nasa itaas sa pinakamahusay naming pagsisikap na ibuod ang kalagayan ng pinakabago sa industriya. 

Gaya ng nakasanayan, dapat kang magsagawa ng masusing pagsisiyasat kapag nagsusuri ng mga proyekto at protocol, at posibleng doble ito para sa mga proyektong tumatakbo sa mga nagsisimula pa lang na bahagi ng teknolohiya.
 

what is defi decentralized finance


Paano gumagana ang DeFi?

Tulad ng ipinaliwanag sa itaas, gumagamit ang mga protocol ng DeFi ng kumbinasyon ng mga crypto asset para mag-alok ng serbisyo. 

Sa paggawa nito, para sa mga tagapagtaguyod, ang mga serbisyong ito ay maaaring mag-alok ng mga benepisyong mas malaki sa mga alok ng mga bangko at iba pang sentralisadong institusyong pinansyal. 

Ang mga naturang serbisyo ay maaaring ilarawan bilang: 

Naka-automate: Posibleng magkaroon ng access ang mga user sa mga serbisyo ng DeFi 24/7 at nang walang mahabang proseso ng pag-apruba na ipinapatupad ng mga nakasanayang entity sa pananalapi.

Bukas: Puwedeng makilahok ang mga user sa mga desisyong mahalaga sa serbisyo. (Posibleng kabilang dito ang kakayahang bumoto sa mga pagbabago sa mga rate, bilang halimbawa.)

Hindi nangangailangan ng pahintulot: Ang mga user ay hindi maaaring tanggihan ng access sa mga serbisyo ng DeFi nang basta-basta o dahil sa hindi makatarungang regulasyon, o maaari silang makapag-fork ng proyekto kung kakailanganin o gustuhin.

Walang trust: Posibleng hindi na kailangang umasa ang mga user sa isang sentral na institusyon para sa access sa serbisyo, nang nagtitiwala lang na gagana ang software gaya ng inilalarawan ng code. 

Tandaan: Dapat mong palaging suriin ang code ng mga naturang protocol para matiyak na gumagana ito gaya ng na-advertise.
 

Ano ang ginagawa ng mga protocol ng DeFi?


Habang parami nang parami ang mga DeFi protocol, magandang unawain ang iba't ibang klase ng problemang sinusubukang lutasin ng mga proyektong ito.  

Ang layunin ng seksyong ito ay ang pag-uri-uriin ang iba't ibang kategorya kung saan napapabilang ang mga sikat na proyekto, na baka maging kapaki-pakinabang habang binubuo at pinapalawak mo ang iyong crypto portfolio. 

Pagpapahiram at Pag-utang

Sa mga DeFi cryptocurrency na nakatuon sa pagpapahiram, baka makakuha ng load ang mga user sa pamamagitan ng software, kaya hindi na kailangan ng pinagkakatiwalaang third party. 

Dahil pinapagana ang mga ito ng code sa halip na de-papel na kontrata, posibleng i-automate ng mga proyektong ito ang mga maintenance margin at interest rate na kinakailangan sa pagpapautang. Bukod sa iba pang bagay, nagbibigay-daan ito sa awtomatikong liquidation kung sakaling bumaba ang mga balanse sa itinakdang collateral ratio. 

Bagama't may magkakaibang detalye ang bawat protocol ng pagpapahiram, magkakatulad ang paggana ng lahat ng ito. Halimbawa, karaniwang may dalawang uri ng user: ang mga nagpapahiram ng kanilang mga token sa protocol at nagbibigay ng liquidity rito, at ang mga humihiram. 

Ipapadala ng gustong magpahiram ng mga cryptocurrency ang mga token na iyon sa isang address na kinokontrol ng protocol, na makakakuha ng interes batay sa dami ng ipinahiram.

Sa kabilang banda, magpo-post ang mga humihiram ng collateral na cryptocurrency. Pagkatapos ay papayagan silang humiram ng mga cryptocurrency na porsyento ng na-post na halaga.

Kung gumana gaya ng inaasahan ang mga protocol, madaling makakahiram ang mga user ng mga cryptocurrency, at kikitain ng mga holder ang tubo sa kanilang mga asset. 

Kasama sa mga halimbawa ng nagpapahiram na protocol ang Aave, Compound, yEarn

Mga Desentralisadong Exchange

Sa pamamagitan ng mga desentralisadong exchange (DEX), posiblang magawa ng mga user na makipagpalitan ng mga crypto asset nang hindi nangangailangan ng mediator para sa peer-to-peer na pag-trade ng mga cryptocurrency.

Karaniwang kaagad na nakakapag-convert ng mga cryptocurrency ang mga user ng protocol nang hindi nanganganilangang mag-access ng order book. Sa halip, baka built in sa network ang conversion rate.

Ang ideya ay makakapagbigay ang mga DEX ng access sa mga trading pair, kahit na masyadong maliit para sa mas malalaking exchange ang dami ng napapailalim na asset.  

Isa pang malaking benepisyo ng DEX ay hindi hawak ng mga sentralisadong partido ang mga pondo ng user. Sa halip, nasa mga personal na wallet ang mga kaya mas pribado ang mga gumagamit ng mga DEX. 

Kabilang sa mga halimbawa ng mga desentralisadong exchange ang Uniswap, 0x at Kyber Network

Mga Derivative

Sa mga market ng mga derivative, nakikipagpalitan ang mga mamimili at nagbebenta ng mga kontrata batay sa inaasahang halaga sa hinaharap ng isang asset. Ang mga asset na ito ay maaaring kahit ano mula sa mga cryptocurrency hanggang sa mga resulta ng pangyayari sa hinaharap hanggang sa mga stock at bond sa totoong mundo. 

Sa mga protocol tulad ng Synthetix, ang mga user ay maaaring mag-trade ng mga asset sa totoong mundo tulad ng mga stock, currency at mamahaling metal sa anyo ng mga token sa Ethereum. 

Sa iba pang protocol, tulad ng Augur o Gnosis, tumataya ang mga user sa resulta ng mga pangyayari. Sa Augur, ang mga user ay maaaring gumawa at makipagpalitan ng “mga share” na kumakatawan sa isang bahagi ng halaga ng mga resulta tulad ng mga resulta ng halalan o mga resulta ng sports. 

Panghuli, ang mga protocol tulad ng dYdX ay nag-aalok sa mga user ng posibilidad na mag-trade ng mga margin token, na nagbibigay-daan sa exposure ng mga trader para magamit ang mga maikli o mahabang posisyon sa iba't ibang market. 


Pag-evaluate sa mga Protocol ng DeFi

Panghuli, nagbigay-daan din ang pagsikat ng DeFi sa paglabas ng mga bagong sukatan na naglalayong mag-alok ng insight sa kanilang performance. Tandaan: Ang mga sukatang ito ay kasingbago ng mga mismong asset ng crypto.

Ang isang sumisikat na pamantayan sa DeFi ay ang sukatang “Total Value Locked” na inilabas ng data aggregator na DeFi Pulse. Noong Agosto 2020, mahigit $4.5 bilyon ang na-lock sa mga protocol ng DeFi. 

Sinusubukan ng sukatan na ipakita kung gaano kalaking halaga sa cryptocurrency ang naka-lock sa mga kontrata ng isang protocol. Gayunpaman, posibleng tumaas at bumaba ang sukatang ito batay sa halaga sa pera ng mga naka-store na asset, kaya posible itong tumaas nang malaki nang walang anumang pagbabago sa napapailalim na paggamit ng protocol.

Ang isa pang sumisikat na sukatan ay ang “on-chain cash flow,” na naglalayong ipakita ang pang-araw-araw na halaga ng pera na ibinibigay sa mga user na nagmamay-ari ng mga token na nagpapagana sa mga protocol ng DeFi. 
 


Mga Kapaki-pakinabang na Resource

Gusto mo bang malaman kung bakit Ethereum ang nangungunang opsyon para sa mga protocol ng DeFi? Pumunta sa page na “Ano ang Ethereum?” sa Learn Center ng Kraken para sa higit pang detalye. 


Kung interesado kang matuto pa tungkol sa mga consensus mechanism na nagpapagana sa karamihan ng mga blockchain ngayon, maaari kang pumunta sa page ng Kraken na “Proof of Work vs Patunay ng Pag-stake”. 

Simulang bumili ng mga Cryptocurrency


Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng cryptocurrency!