Ano ang Ethereum? (ETH)
Gabay ng Nagsisimula sa ETH
Isa sa mga pinakaambisyosong blockchain project, layunin ng Ethereum (ETH) na gumamit ng cryptocurrency para i-decentralize ang produkto at serbisyo sa malawak na hanay ng mga paggagamitan bukod pa sa pera.
Kung layunin ng Bitcoin na maging digital na ginto, iba ang naging diskarte ng Ethereum, nagpalawak ito para makagawa ang mga user ng anumang custom na asset at program na mamamahala sa operasyon nito.
Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga paghahambing (na malamang ay hindi perpekto) na ang Bitcoin ay parang email (isang napakahusay na tool para sa espesyal na paggamit), habang parang web browser naman ang Ethereum (kung saan ang layunin nito ay makapag-enable ng mga program na puwedeng magamit at magawa ng mga user).
Epektibo ang ganitong analogy para maiparating ang saklaw ng Ethereum’, dahil ang team nito ay gagawa ng sarili nitong virtual machine at scripting language (kailangan para maipatupad ang mga program nito), mangangalap ng pondo sa pamamagitan ng pagbebenta ng sarili nitong bagong pera (ether), at magpapakilala ng konseptong tinatawag na “state” sa cryptocurrency.
Sa madaling salita, tina-track ng Ethereum ang mga pagbabago (mga transaksyong nakumpirma sa blockchain) pati na mga potensyal na pagbabago na hindi pa nagaganap (state), isang pagkakaiba na siyang diwa ng bisyon nito.
Sa Ethereum, ang mga multi-step computing function na ito ay tinatawag na “mga smart contract.” Ang mas malalaking pagbuo ng maraming smart contract ay tinatawag namang mga decentralized application (dapp).
Bagama’t makaluma na sa kasalukuyan, may paniniwalang ang mga naturang program ay puwedeng magamit balang-araw para gumawa ng software na gagaya sa gawi ng ilan sa pinakamalalakin’g kumpanya sa internet sa mundo.
Bilang halimbawa, ang Amazon ay puwedeng ipagpalagay na isang uri ng state service na nagkokonekta ng mga mamimili gamit ang isang simpleng web interface sa isang malawak at pabago-bagong imbentaryong naka-store sa mga database. Sa ganitong sitwasyon, tumatayong middleman at technology steward ang isang for-profit na kumpanya.
Sa ganitong paraan, puwedeng tingnan ang Ethereum bilang maagang pagtatangka na gamitin ang mga cryptocurrency para makagawa ng mga competitive na merkado na hahawak sa iba’t ibang bahagi ng mga serbisyong ito na monopolistic na ngayon.
Hanggang 2020, nasa maagang yugto na ang mga developer ng Ethereu’m sa pagtupad sa ideyang ito, at naghahanda na silang i-overhaul ang mismong core nito na tinatawag na “Ethereum 2.0” na magbibigay-daan sa mga pagbabago.
Sino ang gumawa ng Ethereum?
Ang Ethereum ang brainchild ng 20 taong gulang na Russian-Canadian na si Vitalik Buterin.
Ayon kay Buterin, na-inspire siyang gawin ang Ethereum pagkatapos maisip na posibleng ilapat ang disenyo ng Bitcoin sa mas malawak na paraan para mabawasan ang mga “horror” ng mga sentralisadong serbisyo sa web.
Sa isang sikat na halimbawa, binanggit ni Buterin ang mga paninirang nakuha mula sa paglalaro ng sikat na online game na World of Warcraft, dahil noong mga panahong iyon, puwedeng gumawa ng mga arbitrary na pagbabago ang mga developer kahit hindi hinihiling ng mga user.
Sa paglipas ng panahon, nakatanggap si Buterin ng Thiel Fellowship para ipagpatuloy nang full time ang Ethereum, at gumawa siya ng non-profit para tumulong sa paglunsad sa proyekto. Sa maagang bahagi ng 2014, nakabenta ang Ethereum Foundation ng 72 milyong ETH sa isang online crowdsale, na nakapangalap ng humigit-kumulang $18 milyong pondo.
Nakahimok ang Ethereum ng passionate na komunidad ng mga user, kung saan marami sa kanila ang nagpatuloy sa pagpapaunlad nito hanggang ngayon.
Kabilang sa iba pang sikat na personalidad sa komunidad sina:
-
Gavin Wood – Author ng Ethereum yellow paper na tumutukoy sa virtual machine nito
-
Jeff Wilke – Creator ng unang Ethereum software implementation
-
Joseph Lubin – Founder ng Consensys, isang pangunahing ethereum investment incubator
-
Vlad Zamfir – Cryptographer na naka-focus sa protocol development at game theory.
Makikita sa Wikipedia ng Ethereumang mas kumpletong listahan ng mga founder at contributor.
Paano gumagana ang Ethereum?
Puwede nating sabihin na palaging may dalawang Ethereum, ang Ethereum kung paano ito gumagana ngayon, at ang Ethereum na inaasam ng mga developer na makakamit balang-araw kapag natapos na nila ang kanilang plano.
Kaya naman, bagama’t marami nang nakamit ang Ethereum simula nang inilunsad ito noong 2015, mahalagang tandaan na hindi pa naipapatupad ang lahat ng panukala nitong feature.
Ethereum Blockchain
Sa kasalukuyan, gumagamit ang Ethereum ng proof-of-work mining (kung saan nagbu-burn ang mga computer ng enerhiya para lumutas ng mga puzzle na kailangan para gumawa ng mga block) para paganahin ang blockchain nito. (Bina-batch ng mga miner ang mga transaksyon sa mga bagong block nang humigit-kumulang kada 12 segundo).
Nagsusulat ang mga developer ng mga program (mga smart contract) sa Solidity o Vyper, ang mga programming language ng proyekto, at pagkatapos ay dine-deploy ang code na ito sa Ethereum blockchain.
Ang lahat ng node (mga computer na nagpapagana sa software) ay nagpapanatili ng kopya ng Ethereum Virtual Machine (EVM), isang compiler na nagta-translate ng mga smart contract na isinulat ng Solidity at Vyper at nagpapatupad ng mga pagbabago ng mga ito sa mga transaksyon sa blockchain.
Noong 2016, isang grupo ng mga user ng Ethereum ang tumanggi sa isang panukalang update sa code, at pinili nilang ipagpatuloy ang pagpapagana sa mas lumang code. Dahil dito, nagawa ang isang bagong cryptocurrency na tinatawag na Ethereum Classic.
Proof-of-Stake
Sa paglipat sa Ethereum 2.0, plano ng Ethereum na palitan ang core operating system nito, at mag-migrate sa isang system na tinatawag na proof-of-stake (PoS).
Sa ilalim ng proof-of-stake model, ang sinumang user na nagmamay-ari ng minimum na 32 ETH ay puwedeng i-lock ang mga naturang pondo sa isang contract, na kikita ng mga reward para sa paglutas ng mga kalkulasyon na kailangan para magdagdag ng mga bagong block sa blockchain.
Makikita ang higit pang detalye tungkol sa paglipat na ito sa isang 2020 Kraken Intelligence report.
Ang pangunahing cryptocurrency na nagpapagana sa Ethereum ay tinatawag na ether, kung saan ang isang bahagi nito ay mini-mint sa bawat block at ipinapamahagi sa mga miner.
Tandaan na hindi naglalagay ang Ethereum ng limitasyon sa dami ng ether na puwedeng i-mint. Sa halip, ang supply ng ether ay nakaprogramang tumaas nang 4.5% kada taon, kung saan 2 ETH na ang mini-mint bawat block.
Dalawang beses nang binawasan ang reward na ito sa kasaysayan ng network, at dati itong naka-set sa 5 ETH.
Sa pangkalahatan, ang mga pagbabago sa patakaran sa pananalapi ay ipinapanukala ng mga developer. Pagkatapos, puwedeng tanggapin o tanggihan ng mga node at miner na nagpapagana sa software ang upgrade sa kanilang software para tanggapin ang pagbabago.
Kumikita rin ang mga miner ng ETH sa anyo ng mga bayarin para sa mga kalkulasyon na pinoproseso ng network. Hindi binabayaran sa ETH ang mga bayarin, sa halip, binabayaran ito sa “gas,” isang espesyal na computational unit.
Kung mas kumplikado ang kalkulasyon, mas maraming kakailanganing gas ang isang partikular na program.
Ibig sabihin, ang anumang application o protocol na nag-o-operate sa Ethereum ay dapat patuloy na bumili at gumastos ng ether, na lumilikha ng tuloy-tuloy na demand para sa asset.
Bakit gagamit ng Ethereum?
Sa panahong marami sa mga cryptocurrency ang nahirapang makahanap ng mapaggagamitan, natatangi ang Ethereum dahil dumaan ito sa maraming iba’t ibang phase ng malakas na demand.
Mga pribadong blockchain
Malalaking bangko at institusyon ang ilan sa mga unang tumanggap sa Ethereum, na nakinabang sa open-source code nito para gumawa ng mga proof-of-concept at R&D initiative noong 2015 at 2016.
Ang mga hindi kumopya sa Ethereum code ay na-inspire naman sa approach nito, kabilang ang Hyperledger ng Linux Foundation at Corda ng R3, mga proyektong kumopya ng mga bahagi ng architecture nito pero inalis ang ideyang kailangan nila ng bagong cryptocurrency.
Sa paglipas ng panahon, mas direktang susuportahan ng mga pangunahing bangko at korporasyon ang Ethereum sa pamamagitan ng paggawa sa Enterprise Ethereum Alliance, isang non-profit na ginawa noong 2017 para sa layuning iugnay ang iba’t ibang pribadong blockchain ng bangko sa pangunahing Ethereum blockchain.
Mga ICO
Pagkatapos, dumagsa ang mga entrepreneur sa Ethereum noong 2017 dahil sa ideya na puwedeng magamit ang platform nito para sa fundraising sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagong cryptocurrency at pagbebenta sa mga ito na tatawaging mga “initial coin offering” (ICO).
Sinamantala ng mga ICO ang kakayahang ibinigay ng Ethereum sa mga developer para gumawa ng mga bagong crypto asset sa blockchain nito, gamit ang mga token standard nang hindi gumagawa ng bagong codebase mula sa umpisa.
Inilunsad bilang mga bagong token sa ethereum ang mga enterprising project na may sarili nang mga live na blockchain at cryptocurrency (gaya ng Tron at OmiseGo), na maghahatid ng bagong teknolohiya.
DeFi
Ang pinakabagong wave ng inobasyon sa network, ang decentralized finance (DeFi), ay nagbigay-daan sa mga entrepreneur na gumagamit ng Ethereum na makagawa ng mga protocol na nagre-replicate sa mga tradisyonal na serbisyong pampinansyal.
Kasama rito ang mga proyekto gaya ng MakerDAO, na nagdisenyo ng protocol na nagde-decentralize sa pamamahala ng cryptocurrency na naka-peg sa U.S. dollar. May iba pang DeFi na proyektong gustong mag-automate at mag-decentralize ng mga serbisyong pampinansyal gaya ng pagpapahiram at paghiram.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
Ano ang Bitcoin? (BTC)
Ano ang Ethereum? (ETH)
Ano ang Ripple? (XRP)
Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
Ano ang Litecoin? (LTC)
Ano ang Chainlink? (LINK)
Ano ang EOSIO? (EOS)
Ano ang Stellar? (XLM)
Ano ang Cardano? (ADA)
Ano ang Monero? (XMR)
Ano ang Tron? (TRX)
Ano ang Dash? (DASH)
Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
Ano ang Zcash? (ZEC)
Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
Ano ang Algorand? (ALGO)
Ano ang Icon? (ICX)
Ano ang Waves? (WAVES)
Ano ang OmiseGo? (OMG)
Ano ang Gnosis? (GNO)
Ano ang Melon? (MLN)
Ano ang Nano? (NANO)
Ano ang Dogecoin? (DOGE)
Ano ang Tether? (USDT)
Ano ang Dai? (DAI)
Ano ang Siacoin? (SC)
Ano ang Lisk? (LSK)
Ano ang Tezos? (XTZ)
Ano ang Cosmos? (ATOM)
Ano ang Augur? (REP)
Magsimula
Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng Ethereum!