Ano ang Flow? (FLOW)
Gabay ng Nagsisimula sa Blockchain ng Flow
Isipin mo ito: Nag-launch ka ng sobrang matagumpay na decentralized application (dapp) sa Ethereum, pero sobrang sikat ng laro mo, kaya naging halos walang pakinabang ang mismong blockchain.
Parang hindi makatotohanan? Iyo’n ang kuwento ng CryptoKitties, isang sobrang viral na trading game na na-launch noong 2017 na nagbigay-daan sa mga user na bumili, mangolekta, at mag-breed ng mga digital na pusa.
Hindi ganap na masaya sa Ethereum, kumilos ang mga developer ng CryptoKitties para lutasin ang mga problema sa teknolohiyang naranasan nila. Sa prosesong ito, gumawa sila ng bagong blockchain na partikular na idinisenyo para sa mga application tulad ng app na pinasikat nila.
Na-launch noong 2020, nagbibigay-daan ang Flow playgroundsa mga developer na gumawa at mag-trade ng isang partikular na uri ng digital asset na tinatawag na non-fungible token (NFT). Ang NFT ay katulad ng iba pang crypto asset sa kung paano ito mabibili, mabebenta, at maipapagpalit sa internet nang walang middleman.
Pero, ma’y mahalagang pagkakaiba. Sa NFT, natatangi ang bawat asset sa blockchain, at nate-trade ito para sa sarili nitong partikular na presyo. (Puwede mong isipin ang NFT bilang isang uri ng digital na trading card.) Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga NFT, puwede kang pumunta sa pahina'na "Ano ang Non-Fungible Tokens?" ng Kraken na makikita sa aming Learn Center.
Sa Flow, nilalayon ng team sa likod ng CryptoKitties na gumawa ng bagong platform na nagbibigay-daan sa ganitong mga uri ng mga application na makahimok ng mas maraming mainstream na user.
Para sa higit pang regular na update mula sa Flow team, puwede mong i-bookmark ang Flow blog, na may mga tip at tutorial sa network at sa nagbabagong teknolohiya nito.
Sino ang Gumawa ng Flow Coin?
Ang Flow ay produkto ng Dapper Labs, ang kumpanya sa likod ng blockchain game na CryptoKitties.
Pinamumunuan ng mga founder na sina Roham Gharegozlou, Dieter Shirley, at Mikhael Naayem, ginawa ng team ang Flow bilang platform para sa mga blockchain-based game at digital collectible.
Dating tinatawag na Axiom Zen, ipinakilala ng Dapper Labs ang Flow noong 2019 pagkatapos ianunsyong nakalikom ito ng pondong $11 million sa pangunguna ng investor giant na A16z.
Sumailalim ang Dapper Labs sa pangalawang round ng pagpopondo sa pangunguna ng mga NBA star na si Andre Iguodala at Spencer Dinwiddie, na gagamitin para sa paggawa ng mga blockchain-based game sa Flow.
Paano Gumagana ang Flow?
Kung pamilyar ka sa kung paano gumagana ang mga blockchain, alam mong gawa ang mga ito sa pangkalahatan sa mga node na nagso-store ng buong status ng history ng currency at vine-verify ng mga ito ang lahat ng transaksyon.
Kung ikukumpara sa iba, layunin ng Flow na gumawa ng maraming subdivision ng network nito na nagbibigay-daan para mahati-hati sa mga node ang kabuuan ng gawa, kung saan isang subset lang ng mga transaksyon ang iva-validate sa bawat node.
Arkitektura
Para magawa ito, gumagamit ang Flow blockchain ng arkitekturang may maraming node at maraming tungkulin.
Sa madaling salita, hinati-hati ng Flow ang mga yugto ng isang transaksyon sa apat na magkakaibang kategorya, na naghahati-hati sa mga resposibilidad ng bawat node:
- Mga Node para sa Pangongolekta – Pinapahusay ang connectivity ng network at availability ng data para sa mga dapp
- Mga Node para sa Consensus – Nagpapasya sa pagkakaroon at pagkakasunod-sunod ng mga transaksyon
- Mga Node para sa Pagpapatupad – Nagsasagawa ng kalkulasyon na nauugnay sa bawat transaksyon. Walang anumang kakayahang ang mga node na ito na magdesisyon
- Mga Node para sa Pag-verify – Dino-double check ang gawa ng mga Node para sa Pagpapatupad.
Sinasabi ng mga gumawa ng Flow na ang ganitong antas ng espesyalisasyon ay nagbibigay-daan sa bawat node na maging bahagi ng pag-validate ng bawat transaksyon, habang hinahati-hati ang mga gawain para maging mas mahusay.
Mga tool ng developer
Ngayon, bukod sa NBA Top Shot at CryptoKitties, maraming produktong ilo-launch sa Flow. Ang mga smart contract sa blockchain ng Flow ay nakasulat sa native na language ng Flow, ang Cadence.
Gumawa ang Flow team ng website bilang learning tool para sa mga developer na hindi pa nakakagawa ng mga blockchain application para maging pamilyar sila sa Cadence.
Ang isa pang natatanging feature ng blockchain ng Flow ay puwedeng i-release ng mga developer ang kanilang dapp sa beta, habang ina-update ang code kapag nagkakaproblema. Aalertuhan ang mga user sa mga pagbabagong ito habang nakikipag-ugnayan sila sa software.
Kapag na-submit na ng mga author ang final version ng code, saka ito magiging immutable, na ang ibig sabihin ay hindi na ito puwedeng baguhin.
Bakit May Halaga ang FLOW?
Mahalaga ang FLOW cryptocurrency sa pagme-maintain at pagpapatakbo ng blockchain ng Flow.
Una sa lahat, puwedeng isama ng mga developer ang FLOW sa kanilang mga dapp bilang pangunahing currency na gagamitin para sa mga pagbabayad, transaksyon, at pagkuha ng mga reward. Puwede ring gumawa ang mga developer ng sarili nilang custom na cryptocurrency sa Flow kung gusto nila.
Para maging node, kailangan ng mga user na magmay-ari at mag-stake ng mga FLOW token, na ngbibigay-daan din sa kanila na sumali sa pamamahala ng platform. Nire-reward ng Flow ang mga user na ito gamit ang kumbinasyon ng mga kaka-mint lang na FLOW at bahagi ng mga transaction fee.
Mahalaga rito, dahil may apat na magkakaibang uri ng node sa Flow, awtomatikong ina-adjust ang kitang nakatalaga sa bawat tungkulin batay sa halaga ng FLOW na na-stake ng bawat cluster ng mga node.
Puwede ring italaga ng mga user na ayaw magpatakbo ng node sa mga propesyonal na operator ang kanilang stake para sumali sa network sa ngalan nila.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
Ano ang Bitcoin? (BTC)
Ano ang Ethereum? (ETH)
Ano ang Ripple? (XRP)
Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
Ano ang Litecoin? (LTC)
Ano ang Chainlink? (LINK)
Ano ang EOSIO? (EOS)
Ano ang Stellar? (XLM)
Ano ang Cardano? (ADA)
Ano ang Monero? (XMR)
Ano ang Tron? (TRX)
Ano ang Dash? (DASH)
Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
Ano ang Zcash? (ZEC)
Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
Ano ang Algorand? (ALGO)
Ano ang Icon? (ICX)
Ano ang Waves? (WAVES)
Ano ang OmiseGo? (OMG)
Ano ang Gnosis? (GNO)
Ano ang Melon? (MLN)
Ano ang Nano? (NANO)
Ano ang Dogecoin? (DOGE)
Ano ang Tether? (USDT)
Ano ang Dai? (DAI)
Ano ang Siacoin? (SC)
Ano ang Lisk? (LSK)
Ano ang Tezos? (XTZ)
Ano ang Cosmos? (ATOM)
Ano ang Augur? (REP)
Bakit Dapat Kong Gamitin ang Flow?
Puwede kang maging interesado sa Flow kung isa kang game developer na gustong mag-launch ng application sa isang blockchain gamit ang cryptocurrency.
Puwede ring gustuhin ng mga investor na idagdag ang FLOW sa kanilang portfolio kung naniniwala sila sa hinaharap ng mga blockchain platform na nakatuon sa game development at mga collectable.
Magsimulang bumili ng FLOW
Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang FLOW!