Ano ang NEAR Protocol? (NEAR)
Pagpapaliwanag sa Near Protocol (NEAR)
Ang NEAR Protocol ay isang software na naglalayong bigyan ng insentibo ang isang network ng mga computer para magpatakbo ng platform para gumawa at maglunsad ng mga decentralized na aplikasyon ang mga developer.
Ang sentro ng disenyo ng NEAR Protocol ay ang konsepto ng sharding, isang prosesong naglalayong hatiin ang imprastruktura ng network sa iba’t ibang segment para mahawakan ng mga computer, na kilala rin bilang mga node, ang isang bahagi lang ng mga transaksyon ng network.
Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga segment ng blockchain, sa halip na buong blockchain sa lahat ng kasali sa network, inaasahang gagawa ang sharding ng mas efficient na paraan para kumuha ng data ng network at i-scale ang platform.
Gumagana ang NEAR sa parehong paraan ng paggana ng iba pang sentralisadong system ng storage ng data gaya ng Amazon Web Services (AWS) na nagsisilbing batayang layer kung saan ginagawa ang mga aplikasyon. Pero sa halip na paganahin ng isang entity, pinapagana at mine-maintain ang NEAR ng isang nakabahaging network ng mga computer.
Gaya lang din ng pagbibigay-daan ng AWS na makapag-deploy ang mga developer ng code sa cloud nang hindi kailangang gumawa ng sarili nilang imprastruktura, gumagamit ang NEAR Protocol ng katulad na arkitektura na binuo batay sa network ng mga computer at native nitong cryptocurrency, ang NEAR token.
Sino ang Gumawa ng NEAR Protocol?
Itinatag nina Alex Skidanov at Illia Polosukhin ang NEAR Protocol. Dating direktor ng database na kumpanyang MemSQL si Skidanov. Dating nagtrabaho si Polosukhin sa Google, kung saan tumulong siyang i-develop ang mga kakayahan nito sa artificial intelligence at mga produkto ng search engine.
Nakalikom ang NEAR ng mahigit $20 milyon sa iba’t ibang round mula sa mga nangungunang venture capital firm kabilang ang Andreessen Horowitz at Pantera Capital.
Naibenta sa mga early stage investor ang humigit-kumulang 35% ng inisyal supply nito na 1 bilyong NEAR token.
Paano gumagana ang NEAR Protocol?
Ang NEAR Protocol ay isang Proof of Stake (PoS) blockchain na naglalayong makipagsabayan sa ibang platform sa pamamagitan ng sharding solution nito, na tinatawag nilang ‘Nightshade.’
Nightshade
Ang sharding ay isang arkitektura ng blockchain na nagbibigay-daan sa bawat kasaling node sa blockchain na mag-store lang ng maliit na subset ng data ng platform. Sa pamamagitan ng sharding, nakakapag-scale sa mas mabisang paraan ang blockchain habang nagbibigay-daan sa mas maraming transaksyon bawat segundo at mas murang mga bayad sa transaksyon.
Sa pamamagitan ng Nightshade, napapanatili ng NEAR Protocol ang isahang chain ng data nito, habang ipinapamahagi ang computing na kailangan para mapanatili sa mga “chunk” ang data na ito. Ang mga chunk na ito ay pinapangasiwaan ng mga node, na nagpoproseso ng data at nagdaradag ng impormasyon sa pangunahing chain.
Ang isa sa mga pangunahing benepisyo ng Nightshade ay hinahayaan ng arkitektura nito na mabawasan ang mga potensyal na point of failure pagdating sa seguridad, dahil mas maliliit na seksyon lang ng chain ang responsibilidad ng bawat kasaling node.
Rainbow Bridge
Kasama sa NEAR Protocol ang isang aplikasyon na tinatawag na Rainbow Bridge na nagbibigay-daan sa mga kasali na mabilis na makapaglipat ng mga token ng Ethereum sa pagitan ng Ethereum at NEAR.
Para mailipat ang mga token mula sa Ethereum papunta sa NEAR Protocol, magdedeposito muna ang isang user ng mga token sa isang smart contract ng Ethereum. Pagkatapos, ila-lock ang mga token na ito, at gagawa ng mga bagong token sa platform ng NEAR na kumakatawan sa mga orihinal na token.
Dahil nasa storage ang mga orihinal na pondo sa pamamagitan ng smart contract, puwedeng baliktarin ang proseso kapag gusto ng user na kunin ang mga orihinal niyang token.
Aurora
Ang Aurora ay isang Layer 2 na solusyon sa scaling na ginawa sa NEAR Protocol na idinisenyo para sa mga developer para mailunsad nila ang kanilang mga desentralisadong aplikasyon sa Ethereum sa network ng NEAR.
Ginawa ang Aurora gamit ang teknolohiya ng coding ng Ethereum, ang Ethereum Virtual Machine (EVM), pati na isang cross-chain bridge na nagbibigay-daan sa mga developer na i-link ang kanilang mga smart contract at asset sa Ethereum nang walang kaproble-problema.
Magagamit ng mga developer ang Aurora para sa murang bayarin at mataas na throughput ng NEAR Protocol, na may pamilyaridad at network ng mga aplikasyon ng Ethereum.
Bakit May Halaga ang NEAR?
Gumagamit ang NEAR Protocol ng native token na tinatawag na NEAR, na nagbibigay-daan sa mga user na magbayad ng mga bayarin para sa mga transaksyon, magpagana ng mga aplikasyon, at magbayad para sa storage.
Ang mga aplikasyon sa NEAR ay dapat magbayad ng mga bayarin sa storage sa NEAR Protocol para sa anumang data na sino-store nila sa network at para sa pagsasagawa ng mga aplikasyon. Partial na binu-“burn” ng network ang mga token na ito, o inaalis nila ang mga ito sa sirkulasyon, na sa proseso ay magpapababa ng supply ng mga NEAR token sa sirkulasyon.
Tinitiyak ng mga computer na nagpapagana sa NEAR Protocol software na tumpak at alam ng mga validator ang mga transaksyon. Makakatanggap ang mga validator ng reward para sa pagpapanatili ng seguridad at pagiging valid ng blockchain ng NEAR sa pamamagitan ng pag-stake ng kanilang mga token sa network.
Tinataasan ng NEAR Protocol ang supply nito ng token nang 5% bawat taon, kung saan 90% ng mga bagong labas na token na ito ay mapupunta sa mga validator. Ang matitira ay mapupunta sa treasury ng blockchain para suportahan ang pag-develop ng platform.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
Ano ang Bitcoin? (BTC)
Ano ang Ethereum? (ETH)
Ano ang Ripple? (XRP)
Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
Ano ang Litecoin? (LTC)
Ano ang Chainlink? (LINK)
Ano ang EOSIO? (EOS)
Ano ang Stellar? (XLM)
Ano ang Cardano? (ADA)
Ano ang Monero? (XMR)
Ano ang Tron? (TRX)
Ano ang Dash? (DASH)
Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
Ano ang Zcash? (ZEC)
Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
Ano ang Algorand? (ALGO)
Ano ang Icon? (ICX)
Ano ang Waves? (WAVES)
Ano ang OmiseGo? (OMG)
Ano ang Gnosis? (GNO)
Ano ang Melon? (MLN)
Ano ang Nano? (NANO)
Ano ang Dogecoin? (DOGE)
Ano ang Tether? (USDT)
Ano ang Dai? (DAI)
Ano ang Siacoin? (SC)
Ano ang Lisk? (LSK)
Ano ang Tezos? (XTZ)
Ano ang Cosmos? (ATOM)
Ano ang Augur? (REP)
Bakit Gagamit ng NEAR?
Para sa mga user, nakakaengganyo ang NEAR Protocol dahil sa teknolohiya nito ng sharding, na posibleng magbigay-daan sa mas mahuhusay na kapasidad sa transaksyon at seguridad kumpara sa iba pang platform.
Puwede ring gamitin ng mga developer ang platform na ito para makagawa ng mga mas efficient na aplikasyong puwedeng magkaroon ng maraming aktibidad. Ang mga Ethereum developer na nagpaplanong iugnay ang kanilang aplikasyon sa NEAR ay posibleng maengganyo sa mga Layer 2 na solusyon nito.
Puwedeng bumili ang mga investor ng NEAR at idagdag ito sa kanilang portfolio kung naniniwala sila sa kinabukasan ng sharding bilang paraan para i-scale ang teknolohiya ng blockchain at kung gusto nilang magkaroon ng bahagi sa pag-develop ng NEAR ecosystem sa hinaharap.
Simulang bumili ng crypto
Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang crypto!