Ano ang Polygon? (MATIC)
Gabay ng Nagsisimula sa Polygon MATIC
Ang Polygon, na dating tinatawag na Matic Network, ay isang solusyon sa pag-scale na naglalayong magbigay ng iba’t ibang tool para mapabilis at mapababa ang gastos at pagiging kumplikado ng mga transaksyon sa mga network ng blockchain.
Sentro ng bisyon ng Polygo’n ang Ethereum, isang platform na tahanan ng iba’t ibang desentralisadong aplikasyon, kung saan puwede kang sumali sa mga virtual na mundo, maglaro, bumili ng likhang-sining, at makilahok sa iba’t ibang pinansyal na serbisyo. Gayunpaman, halos hindi na magamit ang Ethereum dahil sa ganito karaming aktibidad sa blockchain na ito, dahil pataas nang pataas ang gastos sa paglilipat at pabigat nang pabigat ang trapiko.
Dito na papasok ang Polygon. Bilang pangkalahatang-ideya, ipinapakilala ng Polygon ang sarili nito bilang isang layer-2 na network, ibig sabihin, kumikilos ito bilang add-on na layer sa Ethereum na hindi nagbabalak na baguhin ang orihinal na layer ng blockchain. Gaya ng geometric na pangalan nito, maraming panig, hugis, at silbi ang Polygon at nangangako ito ng isang mas simpleng framework para sa pagbuo ng magkakakonektang network.
Gustong tulungan ng Polygon ang Ethereum na maging mas malawak, secure, efficient, at kapaki-pakinabang at nilalayon nitong humikayat ng mga developer na magpasok ng mga nakakaengganyong produkto sa merkado nang mas mabilis.
Pagkatapos ng pagpapalit ng brand, napanatili ng Polygon ang MATIC na cryptocurrency nito, ang digital na coin na sumusuporta sa network. Ginagamit ang MATIC bilang unit ng pagbabayad at settlement sa pagitan ng mga kasali na nakikipag-interaksyon sa isa’t isa sa network.
Sino ang Gumawa ng Polygon?
Ginawa ang Polygon sa India noong 2017 at dating tinatawag na Matic Network. Produkto ito ng mga bihasang developer ng Ethereum—sina Jaynti Kanani, Sandeep Nailwal, at Anurag Arjun, pati na si Mihailo Bjelic.
Naging live ang Matic Network noong 2020 at nakaakit ito ng ilan sa mga nangungunang pangalan sa mundo ng decentralized finance, na kilala rin bilang DeFi, kabilang ang Decentraland at MakerDAO. Nag-rebrand ang Matic Network sa Polygon noong Pebrero 2021.
Sa initial offering nito noong Abril 2019, nakalikom ang Polygon ng halagang katumbas ng $5.6 milyon sa ETH mula sa pagbebenta ng 1.9 bilyong MATIC token sa loob ng 20 araw.
Paano Gumagana ang Polygon?
Ang Polygon ay isang platform na may maraming antas na naglalayong i-scale ang Ethereum sa pamamagitan ng iba’t ibang sidechain, kung saan ang lahat ay may layuning paluwagin ang pangunahing platform sa epektibo at sulit na paraan.
Kung hindi k’a pamilyar, ang mga sidechain ay mga natatanging blockchain na nakakonekta sa pangunahing blockchain ng Ethereum at epektibo ang mga ito sa pagsuporta sa maraming Decentralized Finance (DeFi) protocol na available sa Ethereum.
Dahil dito, puwedeng maikumpara ang Polygon sa iba pang kakumpitensyang network gaya ng Solana, Polkadot, Cosmos, at Avalanche.
Arkitektura
Ang sentro ng network ay ang Polygon software development kit (SDK), na ginagamit para bumuo ng mga desentralisadong aplikasyon na compatible sa Ethereum bilang mga sidechain at para ikonekta ang mga ito sa pangunahing blockchain.
Puwedeng buuin ang mga sidechain gamit ang isa sa mga sumusunod na paraan ng scalability ng construction:
- Mga Plasma Chain – Pinagsasama-sama ang mga transaksyon sa mga block, at pinagpapangkat-pangkat ang mga ito para sa iisang pagpapasa sa blockchain ng Ethereum
- zk-Rollups – Nagbibigay-daan para mapagsama-sama sa iisang transaksyon ang iba’t ibang paglilipat
- Mga Optimistic Rollup – Katulad ng Mga Plasma Chain, pero may kakayahan ding makapag-scale ng mga smart contract sa Ethereum
Ang pangunahing chain ng Polygo’n ay ang Proof of Stake (PoS) sidechain kung saan ang mga kasali sa network ay puwedeng mag-stake ng mga MATIC na token para mag-validate ng mga transaksyon at bumoto para sa mga pag-upgrade ng network.
Bakit May Halaga ang MATIC?
Ang MATIC ang native na cryptocurrency ng Polygon network at ginagamit ito para itulak ang mga pag-unlad sa kabuuan ng network at puwede itong gamitin para sa pag-stake at pagbabayad ng mga bayarin sa transaksyon.
Puwedeng kumita ang mga user ng mga MATIC na token sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga computational na kakayahan at serbisyo sa Polygon network. Puwede itong gawin sa pamamagitan ng pag-validate ng mga transaksyon o pagpapatupad ng mga smart contract sa network.
Bukod pa rito, sa pamamagitan ng pagkakaroon at pag-stake ng MATIC, nabibigyan din ng kakayahan ang mga user na bumoto para sa mga pag-upgrade sa network, kung saan ang bawat boto ay katumbas ng halaga ng MATIC na cryptocurrency na na-stake nila.
Tulad ng maraming iba pang cryptocurrency, limitado rin ang supply ng mga MATIC token, ibig sabihin, alinsunod sa mga tuntunin ng software, magkakaroon lamang ng 10 bilyong MATIC coin sa sirkulasyon.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
Ano ang Bitcoin? (BTC)
Ano ang Ethereum? (ETH)
Ano ang Ripple? (XRP)
Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
Ano ang Litecoin? (LTC)
Ano ang Chainlink? (LINK)
Ano ang EOSIO? (EOS)
Ano ang Stellar? (XLM)
Ano ang Cardano? (ADA)
Ano ang Monero? (XMR)
Ano ang Tron? (TRX)
Ano ang Dash? (DASH)
Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
Ano ang Zcash? (ZEC)
Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
Ano ang Algorand? (ALGO)
Ano ang Icon? (ICX)
Ano ang Waves? (WAVES)
Ano ang OmiseGo? (OMG)
Ano ang Gnosis? (GNO)
Ano ang Melon? (MLN)
Ano ang Nano? (NANO)
Ano ang Dogecoin? (DOGE)
Ano ang Tether? (USDT)
Ano ang Dai? (DAI)
Ano ang Siacoin? (SC)
Ano ang Lisk? (LSK)
Ano ang Tezos? (XTZ)
Ano ang Cosmos? (ATOM)
Ano ang Augur? (REP)
Bakit Gagamit ng MATIC?
Posibleng nahihikayat ang mga tagapagtaguyod ng Polygon Network sa kakayahan nitong makapagbigay ng mga solusyon sa scaling sa Ethereum, at magagamit ng mga developer ang teknolohiya ng Polygon para bumuo ng mga mas madaling gamiting dapp sa blockchain nito.
Kasama sa mga halimbawa ng mga dapp na binuo sa Polygon ang Sushi, isang desentralisadong exchange platform, Augur, isang platform ng prediction market, at Ocean Protocol, isang platform na nagbibigay-daan sa mga negosyo at indibidwal na makipagpalitan at kumita sa mga data at serbisyong nakabatay sa data
Puwede ring bumili ng MATIC ang mga investor at idagdag ito sa kanilang portfolio kung naniniwala silang mapapahusay ng mga Layer-2 na solusyon ang Ethereum Network.
Simulan ang pagbili ng MATIC
Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang MATIC!
Kraken