Kraken

Staking

Kumita ng Rewards sa pag-stake ng mga coin at fiat

Ang staking ay isang mainam na paraan upang mapakinabangan ang hawak mong mga staking coin at fiat sa halip na itago lamang sa iyong Kraken account. Kapag na-stake na ang iyong mga asset, maaari kang kumita ng mga staking reward na bukod pa sa mga hawak mong asset, na maaari mo pang palaguin kapag pinagsama-sama.

 

Kumuha ng mga staking asset

Bumili o pondohan ang iyong Kraken account ng isa sa mga asset na maaaring i-stake sa ibaba.

 

Piliin ang asset na nais mong i-stake

Pumili mula sa mga available na asset sa iyong spot wallet.

 

Kumita ng rewards

Makakatanggap ka ng rewards dalawang beses sa isang linggo mula sa iyong mga staked asset.

Polkadot (DOT)

On-chain
Yearly rewards
+12.0%

Stake

Cosmos (ATOM)

On-chain
Yearly rewards
+7.0%

Stake

Tezos (XTZ)

On-chain
Yearly rewards
+6.0%

Stake

Bitcoin (XBT)

Off-chain
Yearly rewards
+0.25%

Stake*

Euro (EUR)

Off-chain
Yearly rewards
+1.50%

Stake*

US Dollar (USD)

Off-chain
Yearly rewards
+2.00%

Stake*

*Eligible countries only. Learn more

Ano ang staking rewards?

Maaaring kumita ng rewards kapag nag-stake ng mga cryptocurrency at fiat bilang insentibo sa pagkakaroon at paghawak ng mga staking asset. Maaaring mangailangan ng bonding period ang ibang mga staking coin. Para kumita ng staking rewards, piliin lamang ang asset na gusto mong i-stake at sa sandaling matapos ang bonding period, handa na itong magsimulang mag-stake at kumita ng rewards dalawang beses sa isang linggo mula sa Proof of Stake process.

Ano ang Proof of Stake?

Ang mga sikat na coin tulad ng Bitcoin ay proof of work. Ibig sabihin, sila ay nalilikha gamit ang mga makinaryang nakikipagkompetensya sa isa't isa upang lutasin ang mga kumplikadong equation para "minahin" ang mga coin at digital asset. Sa kabilang banda, ang proof of stake naman ay gumagana sa pamamagitan ng pagpili mula sa pool ng mga taong may hawak ng Proof of Stake coin. Ang isang Proof of Stake “validator node” ay maaaring maidagdag sa pool sa pamamagitan ng pag-stake ng mga coin sa isang tiyak na tagal ng panahon, na nagbibigay sa mga Proof of Stake validator ng mapagkukunan ng kita na hindi nangangailangan ng malakas na mining hardware.

Staking ng mga coin & mga cryptocurrency

Ito ang mga klase ng coin at fiat currency na maaaring pagkakitaan ng rewards mula sa staking service ng Kraken. Halimbawa, ang mga staking coin tulad ng Tezos (XTZ), Dash (DASH), at Cosmos (ATOM) ay maaaring bilhin sa Kraken at i-stake upang kumita ng rewards.

On-chain at Off-chain na pag-stake

Pinapayagan ng On-Chain staking ang pag-stake ng iyong mga asset sa mga blockchain Proof of Stake protocol tulad ng Tezos, habang pinapahintulutan naman ng Off-Chain staking ang pag-stake ng iyong mga asset sa mga Kraken Margin Pool. Ang off-chain staking ay available lamang sa mga eligible na bansa.

Any Additional Questions?

Please check our FAQ page here.

Disclaimer para sa Staking rewards

Ang rate ng reward ay maaaring magbago at alinsunod sa mga terms at conditions ng Kraken. Ang iyong Kraken account at mga staked asset ay hindi covered ng insurance labang sa mga pagkalugi at hindi rin napapailalim sa Federal Deposit Insurance Corporation ("FDIC") o Securities Investor Protection Corporation ("SIPC") protections. Para sa karagdadang impormasyon, tingnan ang aming Terms of Service