Kraken

Paano Bumili ng Bitcoin Cash (BCH)

Inilunsad noong 2017, ang Bitcoin Cash (BCH) ay isang mas bagong cryptocurrency na naglalayong mag-alok ng alternatibo sa pinakaluma at pinakatine-trade na cryptocurrency sa mundo, ang Bitcoin (BTC).


Ginawa ang Bitcoin Cash nang napili ng mga user na magpagana ng alternatibong bersyon ng software na may mga feature na hindi na compatible sa Bitcoin. Nahati nito ang Bitcoin sa dalawang magkahiwalay na blockchain (Bitcoin at Bitcoin Cash) at sa dalawang magkahiwalay na asset (BTC at BCH). 

Sa oras ng paghihiwalay, binigyan ng Bitcoin BCH ang lahat ng nagmamay-ari ng BTC. 

Kaya kung napalampas mo ang launch (o kung gusto mo lang i-diversify ang iyong portfolio), ikaw ay nasa tamang lugar. Binuo namin ang gabay na ito para mabilis (at madali!) kang samahan sa kung paano bumili ng bitcoin cash sa unang pagkakataon.


Handa ka na bang sumabak?

Kung mas advanced na trader ka na at handa ka nang bumili, laktawan ang artikulong ito at bumili ng BCH

Bumili ng BCH

Bakit magandang bumili ng BCH?


Para sa mga tagasuporta ng Bitcoin Cash, kapag binawasan ang mga gastos sa transaksyon, makakakuha ang cryptocurrency ng market share sa mas maraming iba't ibang paggamit ng consumer finance at mga pagbabayad. 

Maaaring mas mabilis maaprubahan ang mga transaksyon para sa mga user ng BCH, nang may mas mabababang bayarin. Gayunpaman, dapat tandaan ng mga user na baka mas malaki ang mga gastos sa pagpapatakbo ng node at pagtatabi sa kumpletong bersyon ng Bitcoin Cash transaction history.

How to Buy Bitcoin Cash BCH


Iba pang dahilan kung bakit baka gusto mong bumili ng BCH

  • Magbayad para sa mga produkto at serbisyo
  • Bumuo ng pangmatagalang crypto trading strategy
  • Magpadala ng pera sa mga kaibigan at kapamilya
  • Tiyempuhan ang market para makuha ang mga short-term na kita

Saan ka makakabili ng BCH?


  • Direktang Pagbili
    Puwede mo itong bilhin nang direkta mula sa ibang indibidwal nang personal o sa pamamagitan ng web.
  • Crypto ATM
    Puwede mong subukang maghanap ng crypto ATM malapit sa iyo na may BCH. Gayunpaman, posibleng napakamahal ng mga rate sa ATM at walang garantiyang makakakita ka ng isa kung saan puwede kang mag-trade.
  • Exchange
    Ang pinakamadaling paraan para bumili ng bitcoin cash ay sa pamamagitan ng digital asset exchange, tulad ng Kraken. Puwede kang mag-trade ng iba pang cryptocurrency tulad ng bitcoin at ethereum para rito o puwede mong gamitin ang lokal mong cash para bumili ng BCH.

    May ilang bagay na pag-iisipan kapag pumipili ng exchange, kabilang na ang: istraktura ng pagbabayad, volume, reputasyon at (ang pinakamahalaga) seguridad.

    Palaging target ng mga hacker at masasamang loob ang mga cryptocurrency exchange, kaya bago mo ipagkatiwala ang iyong pera sa ganito, siguraduhing basahin ang mga ginagawa nilang hakbang sa seguridad. Alamin pa ang ginagawa ng Kraken para protektahan ang iyong mga pondo at identity rito.


Gaano karaming BCH ang puwede kong bilhin?

Gusto mo bang bumili ng BCH on a budget? Huwag mag-alala, sa Kraken, may minimum na laki ng order na 0.02 BCH para tulungan kang makakuha ng exposure sa iba't ibang asset.

Siyempre, maaari ka ring gumawa ng mas malalaking BCH buy order. Hindi kakaiba para sa mga mas bigating trader na bumili o mag-trade ng 300 BCH o mas malaki pa sa Kraken.
 

Presyo ng BCH

Paano bumili ng BCH sa Kraken


Ligtas at madaling bumili ng bitcoin cash gamit ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Gumawa ng account
    Pumili ng username at password, ibigay ang iyong email address at handa ka na.

  2. Magpa-verify
    Sa “Starter” verification, makakabili ka ng bitcoin cash gamit ang iba pang mga cryptocurrency. Ang kailangan mo lang gawin ay ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansa at numero ng telepono. Kung gusto mong gumamit ng cash, tulad ng USD o EUR, kakailanganin mong magbigay ng ilang pansuportang dokumentong nagkukumpirma sa pagkakakilanlan mo. I-click ang link na ito para matuto pa tungkol sa aming mga antas ng pag beripika.

  3. Pondohan ang iyong account gamit ang crypto o cash
    Ang pag-deposito ng crypto sa Kraken ay kasing simple ng pagpapadala nito sa isang kaibigan. Bumuo lang ng bagong deposit address sa iyong Kraken account para makatanggap ng mga pondo mula sa iyong crypto wallet. May ilang paraan para pondohan ang iyong account gamit ang cash para sa pagte-trade, at kasama rito ang SWIFT, SEPA at mga domestic na wire transfer. Nakabatay sa iyong lokasyon at mga kagustuhan ang opsyon na pipiliin mo.

  4. Bumili ng BCH!
    Kapag napondohan na ng cash ang account mo, puwede ka nang bumili ng BCH. Buksan lang ang New Order page, sagutan ang order form at i-click ang BUY. May access sa aming mga custom charting tool at 24-hour na client support ang lahat ng Kraken account, anuman ang tier level.


24/7/365 Customer Support

Napakasimple lang talaga ng pagte-trade! Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa pagbili ng bitcoin cash, ipaalam sa amin. Ang aming support staff ay online buong araw, bawat araw, at handang tumulong.

Makakaugnayan mo kami sa anumang oras sa  LiveChat o sa email.

buy bitcoin cash bch

Saan magandang itabi ang iyong BCH


Kapag tapos ka nang bumili ng BCH, dapat kang maghanap ng paraan para i-secure ito. Ang pinakamagandang paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng wallet. Ang wallet ay isang device o software application na nagtatabi ng crypto mo pero nagbibigay-daan din sa iyo na gastusin ito. 

Pinapadali ng mga mobile at web-based na wallet ang madadalas na transaksyon. Pinakamainam ang mga hardware na wallet para sa secure at pangmatagalang storage. Kapag pumipili ka ng crypto wallet, pag-isipan kung ano ang plano mong gawin sa mga token mo. Bahala ka sa pipiliin mo, at magdedepende ito sa mga indibidwal mong kagustuhan pagdating sa seguridad vs. dali ng paggamit. 


Ang Kraken ay hindi isang wallet service

Mahalagang tandaang exchange service ang Kraken at hindi ito wallet service. Kaya bagama't nagbibigay-daan kami sa mga kliyente namin na magkaroon sa amin ng pondo habang ginagamit ang mga iyon para makipag-trade, dapat mong pag-isipang paghiwa-hiwalayin ang mga holding mo sa maraming wallet. 

Hindi naman talaga magandang ideya na itabi sa iisang lugar ang lahat ng pagmamay-ari mo, kahit pa pinoprotektahan ito ng napakatatag na Kraken! At huwag mag-alala, sinusuportahan namin ang lahat ng pangunahing wallet para makapag-trade ka pa rin sa amin hangga't gusto mo.

Bumili na ng BCH


Kung handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at gusto mo nang bumili ng BCH, i-click ang button sa ibaba!