Ano ang Cosmos? (ATOM)
Gabay ng Nagsisimula sa Cosmos
Binansagang “nternet ng mga blockchain” ng team na nagtatag nito, layunin ng Cosmos na gumawa ng isang network ng mga crypto network na pinagbubuklod ng mga open-source na tool para sa pag-streamline ng mga transaksyon sa pagitan ng mga ito.
An’g ganitong pagtuon sa customizability at interoperability ang dahilan kung bakit natatangi ang Cosmos sa iba pang proyekto.
Sa halip na unahin ang sarili nitong network, layunin nitong makabuo ng isang ecosystem ng mga network na puwedeng magbahagian ng data at token sa programmatic na paraan, nang walang sentral na party na nangangasiwa sa aktibidad.
Ang bawat independent na blockchain na ginawa sa loob ng Cosmos (tinatawag na “zone”) ay ite-tether sa Cosmos Hub, na nagpapanatili ng record ng estado ng bawat zone at vice versa.
Ang Cosmos Hub, isang proof-of-stake blockchain, ay pinapagana ng native nitong ATOM cryptocurrency.
Para sa mga user na gustong manatiling konektado sa kasalukuyang status ng pag-develop ng Cosmos, puwede nilang subaybayan ang roadmap nito sa website.
Para sa mga regular na update mula sa Cosmos team, puwede mong i-bookmark ang blog ng Cosmos, na naglalaman ng mga tip at tutorial sa network at sa nag-e-evolve nitong teknolohiya.
Sino ang gumawa sa Cosmos?
Ang Interchain Foundation (ICF), isang Swiss non-profit na nagpopondo ng mga open-source na proyekto ng blockchain, ang organisasyong tumulong na ma-develop at mailunsad ang Cosmos.
Magkatuwang na itinatag ng mga developer na sina Jae Kwon at Ethan Buchman ang Cosmos network noong 2014, sa panahong ginagawa ang Tendermint, ang consensus algorithm na magpapagana sa Cosmos.
Pagkatapos, isinulat nina Kwon at Buchman ang white paperng Cosmos, at inilabas ang software nito noong 2019.
Nagsagawa ang Interchain Foundation ng dalawang linggong initial coin offering (ICO) ng ATOM token noong 2017, at nakalikom sila ng mahigit $17 milyon. Nakalikom ang Tendermint Inc. ng $9 milyon para ipagpatuloy ang pag-develop sa proyekto sa pamamagitan ng Series A na round ng pagpopondo noong 2019.
Paano gumagana ang Cosmos?
May tatlong layer ang Cosmos network:
- Aplikasyon – Pinoproseso ang mga transaksyon at ina-update ang estado ng network
- Networking – Binibigyang-daan ang komunikasyon sa pagitan ng mga transaksyon at blockchain
- Consensus – Tinutulungan ang mga node na pagkasunduan ang kasalukuyang estado ng system.
Para mapag-ugnay ang lahat ng layer, at para payagan ang mga developer na bumuo ng mga aplikasyon ng blockchain, umaasa ang Cosmos sa isang hanay ng mga open-source na tool.
Tendermint
Ang pinakamahalagang element sa naka-layer na disenyong ito ay ang Tendermint BFT engine, ang bahagi ng network na nagbibigay-daan sa mga developer na bumuo ng mga blockchain nang hindi na kailangang i-code ang mga ito simula sa umpisa.
Ang Tendermint BFT ay isang algorithm na ginagamit ng network ng mga computer na nagpapagana ng Cosmos software para i-secure ang network, i-validate ang mga transaksyon, at mag-commit ng mga block sa blockchain. Kumokonekta ito sa mga aplikasyon sa pamamagitan ng isang protocol na tinatawag na Application Blockchain Interface.
Tendermint Byzantine Fault Tolerance (BFT)
Sentro ng Tendermint ang Tendermint Core, isang proof-of-stake (PoS) na mekanismo ng pamamahala na nagpapanatiling naka-sync ang naka-distribute na network ng mga computer na nagpapagana ng Cosmos Hub.
Para mapagana at makaboto sa mga pagbabago ang mga kasali (“mga validator node”), dapat muna silang mag-stake ng ATOM. Para maging isang validator, ang node ay dapat kabilang sa nangungunang 100 node na nagse-stake ng ATOM. Ang kakayahang bumoto ay nakadepende sa dami ng naka-stake na ATOM.
Maitatalaga rin ng mga user ang kanilang mga token sa iba pang validator, na naglalaan ng mga boto sa kanila habang kumikita pa rin ng bahagi ng reward ng block.
Binibigyan ng insentibo ang mga validator para mag-perform sila nang matapat, dahil may flexibility ang mga user na magpalipat-lipat agad sa mga validator kung saan sila nagtalaga ng ATOM, depende sa mga kagustuhan nila sa pagboto.
Cosmos Hub at Mga Zone
Ang Cosmos Hub ang unang blockchain na inilunsad ng Cosmos network. Ginawa ito para magsilbing tagapamagitan sa lahat ng independent na blockchain na ginawa sa loob ng Cosmos network, na tinatawag na “mga zone.”
Sa Cosmos, ang bawat zone ay kayang makapagsagawa ng mahahalaga nilang function nang sila lang. Kabilang dito ang pag-authenticate ng mga account at transaksyon, paggawa at pamamahagi ng mga bagong token, at pagpapatupad ng mga pagbabago sa sarili nitong blockchain.
Responsibilidad ng Cosmos na pangasiwaan ang interoperability sa pagitan ng lahat ng zone na nasa loob ng network sa pamamagitan ng pag-track sa kanilang mga estado.
Inter-Blockchain Communication Protocol
Nakakonekta sa Cosmos Hub ang mga zone sa pamamagitan ng Inter-Blockchain Communication protocol (IBC), isang mekanismong nagbibigay-daan sa malaya at secure na paglilipat ng impormasyon sa pagitan ng bawat nakakonektang zone.
Kapag nakakonekta na ang isang zone sa Cosmos Hub, magiging interoperable na ito sa bawat iba pang zone na nakakonekta sa hub, ibig sabihin, makakapagpalitan ng data ang mga blockchain na may sobrang magkakaibang aplikasyon, validator, at mekanismo ng consensus.
Cosmos SDK
Bumuo rin ang Cosmos team ng Cosmos software development kit (SDK), na nagbibigay-daan sa mga developer na bumuo ng mga blockchain gamit ang Tendermint consensus algorithm.
Binabawasan ng SDK ang pagiging kumplikado sa pamamagitan ng pag-aalok ng pinakakaraniwang functionality na nasa mga blockchain (hal., pag-stake, pamamahala, mga token). Makakagawa ang mga developer ng mga plugin para maglagay ng anumang dagdag na feature na gusto nila.
Bakit may halaga ang ATOM?
Mahalaga ang papel ng ATOM sa pagpapanatili ng interoperability sa pagitan ng lahat ng zone sa mas malawak na Cosmos network, at puwede itong gamitin sa paghawak, paggastos, pagpapadala, o pag-stake.
Dahil dito, puwedeng mas tumaas ang halaga ng ATOM kapag mas dumami pa ang mga blockchain na gagawin sa loob ng network, na dedepende sa Cosmos Hub para mapanatili ang mga history ng kanilang transaksyon.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon at pag-stake ng ATOM, nabibigyan din ng kakayahan ang mga user na bumoto para sa mga pag-upgrade sa network, kung saan ang bawat boto ay katumbas ng halaga ng ATOM na na-stake nila.
Ang Cosmos ay nagbibigay ng ATOM bilang reward sa mga validator batay sa dami ng token na sine-stakenila, kung saan makakatanggap ng kaunting porsyento ng reward ang mga nagtalaga.
Dapat tandaan ng mga investor na kasalukuyang walang limitasyon sa dami ng supply ng bagong ATOM na puwedeng gawin. Sa halip, ina-adjust ng Cosmos ang dami ng token na ginawa batay sa dami ng ATOM na sine-stake. Simula 2020, nagresulta ito sa taunang inflation rate mula 7% hanggang 20%.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
- Ano ang Bitcoin? (BTC)
- Ano ang Ethereum? (ETH)
- Ano ang Ripple? (XRP)
- Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
- Ano ang Litecoin? (LTC)
- Ano ang Chainlink? (LINK)
- Ano ang EOSIO? (EOS)
- Ano ang Stellar? (XLM)
- Ano ang Cardano? (ADA)
- Ano ang Monero? (XMR)
- Ano ang Tron? (TRX)
- Ano ang Dash? (DASH)
- Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
- Ano ang Zcash? (ZEC)
- Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
- Ano ang Algorand? (ALGO)
- Ano ang Icon? (ICX)
- Ano ang Waves? (WAVES)
- Ano ang OmiseGo? (OMG)
- Ano ang Gnosis? (GNO)
- Ano ang Melon? (MLN)
- Ano ang Nano? (NANO)
- Ano ang Dogecoin? (DOGE)
- Ano ang Tether? (USDT)
- Ano ang Dai? (DAI)
- Ano ang Siacoin? (SC)
- Ano ang Lisk? (LSK)
- Ano ang Tezos? (XTZ)
- Ano ang Cosmos? (ATOM)
- Ano ang Augur? (REP)
Bakit gagamit ng ATOM?
Puwedeng maengganyo ang mga user sa Cosmos network dahil sa pagtuon nito sa pangangasiwa sa interoperability sa pagitan ng mga blockchain.
May iba’t ibang proyektong binuo sa Cosmos network. Kabilang sa ilang halimbawa ang isang price-stable cryptocurrency at isang decentralized finance (DeFi) na proyektong nagbibigay-daan sa mga trader na i-leverage ang kanilang mga asset.
Puwede ring bumili ang mga investor ng ATOM at idagdag ito sa kanilang portfolio kung naniniwala silang dudumugin ng mga developer ang mga framework na nagbibigay-daan sa kanilang maglunsad ng mga custom na blockchain.
Simulan ang pagbili ng ATOM
Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang ATOM!