Mga Uri ng Cryptocurrency
Pagpapaliwanag sa Cryptocurrency
Kung bago ka sa crypto, malamang na nagtataka ka, paano naiintindihan ng matatalinong tao ang ganito ka-diverse na ecosystem? Sa sobrang daming opsyon, paano mo mapag-iiba ang isang crypto asset sa iba pa?
Sa totoo lang, karamihan sa mga trader at investor ay may kanya-kanyang sariling custom na sistema ng klasipikasyon.
Gayunpaman, may ibang mas sikat na opsyon. Halimbawa, ang pinakamadalas gamiting paraan ay ang pagpapangkat ng mga crypto asset batay sa kung ano ang layunin ng paggamit sa mga ito. Hindi ito isang perpektong sistema. Sa katunayan, may mga debate pa rin kung talaga bang may iba’t ibang klase ng mga cryptocurrency.
Halimbawa, posibleng nakikipagkumpitensya lang ang lahat ng cryptocurrency na maging digital na pera, ibig sabihin, isa lang dapat ang uri ng cryptocurrency.
Dahil dito, layunin ng artikulong ito na klasipikahin ang mga cryptocurrency na iniaalok ng Kraken para makasilip ka sa kung paano gumagana ang mga sistemang ito at kung paano ito puwedeng makatulong sa pagbuo at pag-diversify ng crypto portfolio mo.
Ang mga kategorya sa ibaba ay ginawa gamit ang methodology ng Messari, isang nangungunang aggregator ng data at impormasyon para sa industriya ng crypto asset.
Mga Cryptocurrency sa Pagbabayad
Ang mga cryptocurrency sa pagbabayad ay puwedeng ipagpalagay na mga digital na perang pinapagana ng isang nakabahaging network ng mga computer na nagpapatakbo ng isang nakabahaging blockchain software. May ilang nakatuon sa pakikipagkumpitensya sa pera, habang ang iba naman ay nakatuon sa pagbabayad para sa isang partikular na pinaggagamitan o industriya.
Ang mga cryptocurrency network na naglalayong bumago sa sistema ng pagbabayad ay kadalasang nagtataglay ng maraming feature bukod pa sa mga kinakailangan para tumukoy, maglipat, mag-record, at mag-secure ng mga transaksyon sa network.
Para sa ilan, isang magandang halimbawa ng cryptocurrency sa pagbabayad ang Bitcoin, ang orihinal na cryptocurrency, dahil idinisenyo ito bilang alternatibo sa tradisyonal na pera.
Ang karamihan sa iba pang available na cryptocurrency sa pagbabayad ay naglalayong maging mas maganda kaysa sa Bitcoin sa iba’t ibang paraan, mula scalability hanggang sa bilis.
Ang mga cryptocurrency na suportado ng asset ay puwede ring ituring na mga cryptocurrency sa pagbabayad.
Ang mga crypto asset na ito ay kadalasang naka-peg sa mga mas tradisyonal na asset at nag-aalok ito ng efficiency at transparency ng cryptocurrency habang nagbibigay ng exposure sa presyo sa mga mas subok nang anyo ng halaga.
Halimbawan ng Mga Cryptocurrency sa Pagbabayad
Mga Cryptocurrency ng Imprastruktura
Ang mga cryptocurrency ng imprastruktura ay karaniwang ginagamit para bayaran ang mga computer na responsable sa pagpapagana ng mga program sa isang nakabahaging blockchain software network.
Halimbawa, ang crypto asset na nagpapagana sa Ethereum ay tinatawag na ether, at puwede itong ikonsiderang cryptocurrency ng imprastruktura, dahil dapat itong bilhin ng mga tao para gumawa at gumamit ng mga decentralized application na gumagana sa network.
Maraming blockchain platform na nagbibigay ng iba’t ibang gamit, at ang bawat isa sa mga ito ay nangangailangan ng kanya-kanyang cryptocurrency ng imprastruktura.
Ang mga token na nakatuon sa interoperability ay puwede ring ikategoryang mga cryptocurrency ng imprastruktura. Layunin ng mga ito na makapagbigay ng paraan para ikonekta ang iba't ibang blockchain at bigyang-daan ang mga user na makipagtransaksyon sa mga network na ito.
Halimbawan ng Mga Cryptocurrency sa Imprastraktura
Mga Pinansyal na Cryptocurrency
Puwedeng makatulong sa mga user ang mga pinansyal na cryptocurrency na pamahalaan o ipagpalit ang iba pang crypto asset.
Halimbawa, puwedeng makatulong sa isang user ang isang pinansyal na cryptocurrency na makapag-trade sa isang desentralisadong exchange o makapagdesisyon tungkol sa kung paano ito dapat gamitin. Puwede ring gamitin ang ibang pinansyal na cryptocurrency para mag-crowdfund ng pera, na magkokonekta ng mga nagsisimulang crypto na proyekto sa mga investor.
Para sa mga mas kumplikadong pinansyal na cryptocurrency, puwede pa ngang gayahin ng mga ito ang mga pinansyal na serbisyo gaya ng market making o pagpapahiram at pangungutang. Bilang karagdagan, ang mga cryptocurrency ng mga prediction market ay isang paraan para hulaan ang resulta ng mga partikular na pangyayari.
Mga Pinansyal na Cryptocurrency ng Kraken
Mga Cryptocurrency ng Serbisyo
Ang mga cryptocurrency ng serbisyo ay puwedeng mag-alok ng mga tool para sa pamamahala ng mga personal o enterprise data sa blockchain. Nagkakapare-pareho ang mga ito sa pagtulong sa mga pinansyal na produktong nakabatay sa blockchain na ma-access at masuri ang mga external na source ng data.
Marami sa mga cryptocurrency ng serbisyo ang ginagamit para makapagbigay sa mga user ng mga digital na pagkakakilanlan at maikonekta ang mga record ng indibidwa’l mula sa totoong mundo patungo sa blockchain.
Napakaraming mapaggagamitan ng pagsasama ng tekonolohiya ng blockchain sa mga aplikasyon sa totoong mundo. Posibleng iba-iba ito mula sa mga cryptocurrency na nagbibigay ng iba't ibang serbisyo para sa industriya ng pangangalagang pangkalusugan (hal., Dentacoin) hanggang sa mga cryptocurrency na nag-aalok ng mga serbisyo sa file storage (hal., Storj, Siacoin).
Halimbawan ng Mga Cryptocurrency sa Serbisyo
Mga Cryptocurrency ng Media at Entertainment
Gaya ng pangalan nito, ang mga cryptocurrency ng media at entertainment ay naglalayong mag-reward ng mga user para sa content, mga laro, sugal, o social media.
Halimbawa, ang isang cryptocurrency ng media at entertainment gaya ng Basic Attention Token, ay naglalayong makapagbahagi ng halaga sa mga creator at consumer sa mas pantay-pantay na paraan.
Bilang panghuli, ginagamit din ang mga cryptocurrency ng media at entertainment para magpagana ng mga digital na mundo na ina-access sa pamamagitan ng mga teknolohya ng virtual at augmented reality.
Simulang bumili ng mga cryptocurrency
Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng cryptocurrency!